Chapter 13 : His presence

204 6 0
                                    

[A/N : Hindi dapat muna ako mag-U-UD kaso nakita ko 194  reads naaaa! push na to hanggang 200! XD .. Favorite part ko ito as of now sa BHRE. Sana magustuhan nyo. Maraming SheYlann(SheinxCylann) moments dito :DDD At mukhang mahaba ang UD ko ngaun and di ko alam kelan next UD,haha, ja ne~]

[Shein’s POV]

“Kung ganoon, may itatanong ako sa iyo.” Lumapit sya saakin, sa harap ko. “Saakin? Hindi ka natatakot saakin?”

Titig na titig ang mata nya saakin. Hindi man lang sumagi sa isip ko na pareho sila ni Chris that time, na pareho nila akong kayang patayin. Bakit ganon, hindi ako makapagbigay ng sagot agad sa kanya. Wala na kasi akong isasagot kapag tinanong nya ako kung ano ang reason ko. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang—

“Tara na, wag mo nag sagutin ang tanong ko.” Tumalikod na sya at naglakad.

Phew. Buti hindi natuloy. Bakit nga ba Shein? Bakit hindi ka natatakot sa kanya?

Nang makarating sa condo nya, pumasok agad sya sa kwarto nya. Pft. Bastos talaga. Di man lang ako binigyan ng damit nya kahit pang-itaas o nilutuan ng pagkain. Naupo nalang ako sa couch. Hmmm. Malinis pala sa bahay si Cylann, mula couch hanggang sa appliances mukhang mamahalin. Hindi ko kasi natitigan ng buo nung una at pangalawang punta ko.

“O hayan”

Ay palaka! Jusme, heart attack ang ibibigay nya saakin e! “Damit mo?”

“Oo, malamang. Iyan muna ibihis mo.”

Wow. Pilosopo.

“Kumain ka muna bago magbihis.” Dumiretso sya sa kusina at nagluto. Wait. Nagluto? Marunong sya?

Ilang minuto pa, iniabot nya saakin ang pork steak at kanin.

“Wag ka nang maarte, ininit ko lang iyan”

“Wala naman akong sinabi ah”

Aalis na sana sya nang—

“Saglit, sumabay ka”

“Wag na. Ikaw nalang. Wala akong gana”

“Hindi din ako kakain.” Ibinagsak ko ang platong inabot nya sa mesa.

“Aba’t!”

“hay, nabusog ako!” sabi ko sabay mahinang dighay. “ooops. Excuse me.”

“tch. O pwede na ba akong umalis?”

“Sige na.” Sungit. At least napa-sabay kitang kumain saakin. “saglit! Saan ang cr?”

“Eto lang” itinuro nya ang pinto na malapit lang sa kusina at pumasok na sya sa kwarto.

Ah okay. So kanya kanya ngayon?

Nagpalit na ako ng damit na ibinigay nya, gray longsleeve sweater at black jogging pants, kaso . .. -____- malaki ng konti saakin. Wait diba eto yung sinasabi sa manga na BOYFRIEND SHIRT?! Waaaa! No way!

Pagpunta ko sa living room, andoon na si Cylann, nakaupo at nanunuod ng TV. Lumingon sya saakin at pinatay ang TV.

“Ba’t mo pinatay, manunuod ako.” Sabi ko nang makaupo malapit sa kanya.

“Ayokong manu—“

“Amina na nga yang remote” Kukunin ko na sana yung remote sa kanya pero iniwas nya. “Anu bang—“

“Bahay mo?” Natigilan ako sa sinabi nya. SABE KO NGA EE. SORRY NAMAN.  “Ngayon, ang ayaw mong pag-usapan ang pag-uusapan natin.” Sabi nya habang nagbubuklat ng dinampot nyang magazine. Bumuntong hininga ako. “Sabi mo hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mo?”

“Ah. Yun pala gusto mong pag-usapan natin?” Patay! Hinuli lang pala akong ng mokong na ‘to. “Sige tutal gusto mo namang ituloy. Gusto ko din malaman ang dahilan.” Kainis! para syang tatay ko nyan e.

“Hindi ko din alam.” Napatingin sya bigla saakin. “Hindi ko din alam bakit hindi ako natatakot sayo. Siguro dahil sa presence mo, hindi iba sa presence ng mga klasmate natin, mga schoolmate, mga kaibigan.”

“Hindi ba nagbago yan nung malaman mo ang tunay na ako?”

“Nagbago?” Tumingin ako sa kanya at nakita kong tumikhim sya. “Bago ko ituloy, can I ask you a question?”

“Sige isa lang” pinagpatuloy nya ang pagbabasa ng magazine.

“Bakit ganito ang trabaho mo?”

“No answer. Ibahin mo ang tanong.”

“Gusto mo ba ang trabahong yan?”

“Oo”

“Alam kong hindi.” Tumigil sya sa pagbabasa at tumingin saakin. “Ah,eh, don’t get me wrong, h-hindi ko gustong bulabugin ang buhay mo pero, although iba ka sa school at iba ka as an assassin pero hindi ko alam, your presence is still the same para saakin.”

“Anu bang—“

“Masama ang ginagawa mo pero hindi masama ang puso mo.”

“Hindi kita maintindihan.”

“Ako din e.”

“Are you kidding?”

“Barilin mo ako.”

“What?! Ano ba yang—“

“Sinasabi ko? Sabi sa iyo ee, hindi ka naman talaga masama, kung masama ka matagal mo na akong hinayaan mamatay. May hinahanap ka lang kaya mo siguro ginagawa ito.”

“walang kang pakielam . . . ARAR!! Aru ber (Aray-Ano ba)!!” Pinisil ko kasi nang madiin ang pisngi nya.

“Sama mo din! Kaw itong nag-open ng topic e!”

“tch. Ansakit.” Sabay himas nya sa pisngi nya.

“pengeng unan at kumot dito.”

“Sino nagsabing dito ka sa sala matutulog?”

“WOW HA. SAAN MO AKO PATUTULUGIN? SA LABAS? ANG SAMA MO! KALA KO PA NAMAN UTANG KO SA IYO ANG BUHAY KO, HINDI PALA!”

 -

“Ah. Hehe sabi ko nga ee, sa kwarto mo ako matutulog.” Muntik na akong mapipi dahil sa kwarto nya pala ako patutulugin.

“Tch, dami mong sinasabi.” Kumuha sya ng unan at lalabas na sana.

“TEKA! Dito ka na din matulog.”

“Sa kama din? Hah! Hindi ko alam na patay na patay ka din—“

“Sa sahig. Di ba babantayan mo ako? Pag ako napatay ni Chris, mumultuhin kita hanggang sa malagutan ka ng hinga.”

“Tigilan mo nga yan.”

“Dito ka na nga kase!!!”

“OO NA!” Galit syang kumuha ng makapal na kumot at nilatag sa sahig , nilagay ang unan at saka humiga. “Masaya ka na?!”

“Very much” :D. kala mo ha. Hindi lang ikaw ang magaling mang-asar. “Wag mong papatayin yung lamp, madilim”

“Ang duwag mo.”

“Good night. Wag kang pupunta dito sa kama.”

“Wag kang ambisyosa, madami pang mas maganda sayo.”

“Wag ka ding ambisyoso, hindi kita gusto.”

“Hah! Wag mong lokohin ang sarili mo.” Napaupo ako bigla. “A-a-nong?!!”

“Good night.” Sabi nya para makalusot.

“HOY!” Aba’t madaya ‘to! “Hoy!” TSK. Asar. Makatulog na. Bahala sya.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon