Chapter 19 : His organization

206 5 0
                                    

[A/N : UD na ulet, happy 500+ reads! :), sa chapter na ito po pagpasensyahan ang sfx, medyo kailangan po kasi, haha, pero binawasan ko na inedit ko na, minsan kasi ayaw ng readers na o.a. ang sfx. Pati yung punctuation marks ko, i tried editing them na din, hindi ko nalang alam if may mali pa, so please bear with the editing :) please do comment if you like. Medyo crappy ata yung ud ko ngayon pero sana magustuhan nyo]

[Cylann’s POV]

Katulad ng sinabi ko kay Chris, bumalik ako sa headquarters. Ordinaryong mansion sa siyudad ang HQ ng Circle, hindi mo mahahalatang pugad ng mamatay-tao.

“Tyrone!” gulat na bati saakin ni Matt na nakaupo sa sofa.

Matt, newcomer but an expert when it comes to swords. Assassins here do not just use guns, they are hired for what they are good at.

“What a surprise dude!”

“Lagi naman akong ganito, bakit ka pa nasorpresa?”

“Woah, easy bro”

Hindi ba nila nabalitaan kay Chris? Dumiretso ako sa hallway papunta sa kwarto ng Master, ang sinusunod namin.

“Woah! Tyrone!” Si Shean. He uses daggers and poison when killing.

“Musta Mr. #1?” pang-aasar ni Kyle. Ang tipong madaldal pero magaling ang karate skills.

Lumapit sila saakin.

“May reunion ba at nandito kayong lahat?” tanong ko sa kanila.

“Alam mo naman kami, pumupunta dito para sa utos. Hindi yung nagpapatawag lang sa phone”

“Dustin, wag dito,” saway ni Shean.

Dustin, we’re at the same age nang pumasok kami sa Circle, magkakasabay kami nila Chris. Our skills are often compared.

Nilagpasan ko sila at lumakad na papunta sa pintuan ng Master. Ayokong magpaliwanag sa kanila, hindi ko sila magulang, mas lalong hindi ko sila kaibigan, ayokong may ituring na kaibigan pa sa kanila, pare-pareho lang kami.

“May utos ka ba saakin?” Biglang umilaw ang malaking screen sa gitna, pero kulay asul lang ang naka-flash sa screen, as always, hindi naming kilala ang master, hindi rin pwedeng makita.

“Nabalitaan ko na pinatay mo si Paul. Iniisa-isa mo na din ba sila?” Alam kong gumagamit sya ng isang voice changer instrument.

“Nandito lang ako dahil sa utos”

“Room 5604, Hotel Aquaria, si Mr. Chen, alam kong magagawa mo Tyrone or should I say Cylann? Afterall ikaw ang pinakapaborito ko. Yung pera, ipapadala ko nalang,” Tumayo ako at lumakad papunta sa pintuan.

“Wala sanang panggulo sayo, Cylann,” At nagblack-out na ang screen.

Top eight assassins. Walo kaming tumatanggap ng utos, bahala nalang kaming maghire o kumuha ng makakatulong mula sa iba pang tauhan ng Master. Si Paul, isa lang sa tauhan ng Master, pwedeng sumunod kahit kanino saaming pito. Pero sa kanilang pito, ako lagi ang napagiinitan ng karamihan. Bakit pito nalang kami? Ako ang may dahilan.

“Aalis ka na agad dude? Laro muna tayo,” Tapik ni Kyle sa balikat ko.

Bigla kong itinutok ang baril kay Dustin na nakatutok na din ang baril saakin.

“Tyrone! Dustin!”

“WAG KANG MAKIALAM SHEAN! I was really disgusted to see your face here Tyrone, nakukuha mo pang tumapak dito, ah, dahil sa paborito ka ng Master?”

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon