Chapter 25 : His date [part 2]

166 5 8
                                    

[A/N : Dedicated sayo dahil nabasa mo na din ang DS at ang BHRE, read my upcoming stories too :) and baka gawin ko itong reverse harem, meaning napapaligiran ng gwapong guys ang isang girl haha, pero di ko pa sure.. Abangan ang pictures ng guys sa kwento na ito, ang cast XD]

[Shein’s POV]

“Okay na ‘to, cute naman ang nakuhanan ko,” pagtingin ko sa kanya namumula sya, “Cylann namu—“

“Manood ka na nga lang kasi.” Bigla nyang iniwas ang tingin sakin, ano naman ngayon? Mala-Kazehaya?

[Note : Kazehaya – Kimi Ni Todoke]

“Ah eh, sige,” pft, sungit.

Natapos na ang Dolphin Show na ang laman ng isip ko ay yung expression ng mukha ni Cylann.

Gruuu~

Here it goes again, nagwawala na uli ang mga alaga ko sa tiyan.

“Kumain na muna tayo,” aya nya. Mukhang nadinig ang pagwawala ng tiyan ko.

“Gusto ko yan! Hehe!”

Si Cylann na ang pinamili ko kung saan kakain, hindi ko kasi alam kung saan masarap, lahat naman ata magugustuhan ko basta pagkain, mwahaha! Kumain kami sa isang restaurant na ang specialty ay chicken barbeque, in fairness, okay ito. Syempre sagot ng kadate ko ang gastusin.

“Saan mo na gustong pumunta?” tanong niya habang naglalakad-lakad kami. Lumibot muna kami sa mga shops sa Yellowbelt. Ang hirap palang mag-isip ng mga pupuntahan.

“Manood nalang tayo ng sine tutal gusto kong mapanood ang sequel ng How to Train Your dragon”

“Sige,” dumiretso kami sa cinema at bumili ng tickets, hindi na kami bumili ng makakain kasi busog ka kami.

“Ayan na,” excited ako kasi makikita ko si Toothless uli.

Nung nasa kalagitnaan na ng movie,

“Restroom lang ako Cylann”

“Ah sige,” sabi nya nang hindi inaalis ang tingin sa screen, parang nagustuhan nya ang HTTYD2 ah.

Pagbalik ko, nakita kong may dalawang babaeng katabi na si Cylann. Ang lalaking yon, at kelan pa sya naging playboy? Wait, heartthrob sya, diba iba yun sa playboy, aish, makaalis na bahala sya, uuwi na ako!

Lumabas ako ng sinehan at didiretso na sana pauwi pero naisip ko na magpakalma muna ng isip, baka mag-overheat ako e. Sumakay ako ng jeep papuntang Cyber World. Oo, jeep. Ang Cyber World ay isang mall na may planetarium, laser guns for playing at madami pang bagong technologies. Gusto ko kasing makapunta din dun, iyon sana ang isa-suggest ko kay Cylann kaso nabwisit ako, hmp, ayoko nang alamin kung ano ang ginagawa nya sa sinehan.

Pumasok ako sa Laser Maze, yung parang paint ball pero laser light ang gamit, hindi naman daw nakakamatay, safe naman daw. Pikit mata akong nagbayad dahil mahal, wag nyo nang itanong kung magkano, baka maiyak ako, may natira pa naman akong pamasahe. Sinuotan ako ng umiilaw na vest na pag natamaan daw ng laser at naging red ang ilaw na blue, out na daw. Wow, technology talaga. Ok lang na naka-dress ako, wala na akong bihisan e, nasa sasakyan ni Cylann. Hmp, ayoko na syang pag-usapan muna, disaster date ang tawag sa date namin ngayon.

[a/n : hindi pa po ako nakakapasok sa ganun, so please bear with my imagination :D]

May mga magkakaibigan na kasabay kong pumasok sa loob. Madami dami din sila. Pagpasok ko sa loob, madilim at tanging mga ilaw lang sa mga poste ang makikita. Galing, Sword Art Online sana, MMORPG.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon