[A/N : Mahaba-haba na po ito, kaya next week na po ang update ulit. Paki-read naman din po ang short story ko na 'Destiny Syndrome' thank you :)]
[Shein’s POV]
“Ha? Ano?”
“Dito na ako naghintay, madaming tao doon. Tsk.”
“tara na nga, para kang nasa stage ng pagbubuntis.”
“ANO?!” Lumakad nalang ako nang mabilis para hindi na nya ako usisain. Psh. Para talaga syang buntis. Mabait, masungit, halimaw, anghel, lahat nang klase ata sya na. “Teka, bakit ganyan ang suot mo, parang pang-lalaki?”
“Aish. Wag mo na ngang pinapansin ang suot ko.”
Maya- maya pa, nasa train station na kami, ako na ang bumili ng tickets, hindi naman nya kasi alam yung station. Hindi naman nagtagal ay dumating na yung tren. Pagpasok namin, siksikan, no choice makikisiksik kami.
“Dito.” Sabay hatak nya saakin.
Oh my gosh. Oh my goodness! Magkaharap kami ngayon sa tren! yung feeling na nababasa mo sa manga at stories na naamoy mo ang pabango ng kaharap mo, totoo pala! Pati ang bawat paghinga nya nadidinig ko. Ang gwapo nya sa suot nya. Naka-white shirt sya sa loob tapos maong na polo long sleeve. Grabe model na model ang dating.
“Stop daydreaming about me.”
“Ha?! Shut up. I’m not.”
Paglabas namin ng tren at ng station, lalakarin nalang papunta kina JD at Kurt.
“Shein!” nakita kong kumakaway si JD.”Bakit ganyan ang suot mo? Parang panlalaki?”
“Aish!” Ano bang masama? Naka- white tshirt lang ako, naka-pedal shorts at rubber shoes. Tinignan ko si Cylann. E, kaya naman pala e, model nga pala yung kasama ko, mukha lang akong taga-bitbit ng gamit nya.
“Tara na, pasok kayo para makapag-start na tayo.” Aya ni Kurt. Pagpasok sa loob, sinalubong kami ng lola ni Kurt.
“Magandang umaga po..” sabay-sabay naming bati.
“Magandang umaga din, ke gagandang bata, hala sige pasok kayo, wag mahihiya.”
Kaya lolo at lola ang kasama ni Kurt kasi nasa ibang bansa ang magulang nya.
“Papasok na po kami.” Nakangiting sabi ni Cylann sa lola ni Kurt. Aba magalang!
“Ang cute ng bahay nyo.” Sabi ko nang makarating na kami sa kwarto ni Kurt. Hindi sya malaking-malaki pero ang linis kasing tignan. Nasa ayos ang gamit nila.
“Hehe. Salamat.”
“Magstart na tayo.” Kinuha ni JD ang libro at iba pa nyang school supplies. Haha!
Kinuha ko ang notebook ko at ang ballpen.
“May tanong muna ako kay Cylann.” Napatingin naman si Cylann kay Kurt. “Di ba hindi ka sumasama sa kahit anong gala or group study?”
“Ha?! You mean lone wolf ka?” tanong ko kay Cylann.
“Hindi. Ayoko lang ng galaan, masyadong maingay. Hindi ako sumasama sa group study kasi . . “
“Kasi?” chorus naming tanong.
“I can remember things in just a glance.”
“WHAAAAAAT?!” sigaw namin ni JD. For real?!
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...