Chapter 31 : The Threat

163 5 4
                                    

[A/N : Dahil flood ang comments mo, dedicated po ito sayo, haha! minsan advice, minsan pag-correct ng grammatical error, minsan, kilig comment, binasa ko lahat! haha! Salamat sa pag-flood comment XD LOL.. bilis ng UD noh, baka next week na kasi ang UD.. enjoy ~ saka na yung cast pag sabay ng pagpapakilala sa kanila, yung makikilala ni Shein na :)]

[Shein’s POV]

“OY! OY! Anong balak mo?! Hindi pa ako handa! Tsaka di ka pa nanliligaw! Masyado ka atang mabilis!” Isinuot nya saakin bigla ang t-shirt nya.

“Ang dumi ng isip mo.”

“Ikaw nagpapadumi ng isip ko, teka! Tanggalin mo nga ito!”

“Para matanggal ang amoy ni Dustin sayo,” feeling ko nagblush ako, pero erase erase.

“At feeling mo naman yung pabango mo ang gusto kong maamoy?”

“Bakit hindi ba?” then he grinned. Tch, yabang. Ang bipolar ni Cylann diba? Minsan galit, minsan, sweet na hindi mo malaman kung ano gusto.

Tinanggal ko na yung t-shirt nya, ang awkward e. Hindi ko tinitigan si Cylann ha! Baka maglinis kasi sya pag nag-nosebleed ako.

“Isuot mo na nga yan, kung ibang babae ang kaharap mo inuwi ka na siguro.”

“Bakit ikaw ba?”

“Hindi ah!”

“Guilty,”

Tumayo ako at kinuha ang bag ko, at lumabas na “Oy, uuwi na ako, salamat sa pag-entertain.”

“Alin doon ang nagustuhan mo yung paglalaro natin o yung—“

“TUMIGIL KA NA NGA!” Minsan iniisip ko na dalawa ang personality nya, isang seryoso at isang walang-hiya na makapal ang mukha, “Cylann..”

“Kung sasabihin mo nanaman yung tungkol sa trabaho ko, stay out of it, ayokong madamay ka.”

“Hindi, sasabihin ko na paki-off yung playstation, sayang yung kuryente.”

“GRABE! PAGSARHAN DAW AKO NG PINTO SA LABAS NG CONDO! ANONG MALI SA SINABI KO?!!” Talaga namang sayang ang kuryente ah, pagkarinig kasi nya, sumimangot sya at sinara na ang pinto.

Si Cylann, si Dustin at si Chris, ang dami ko pang hindi alam sa kanila, hindi naman ibig  sabihin na gusto kong alamin, nakaka-curious lang about sa reasons nila why would they do such things, ilang beses kong sinabihan si Cylann, ayaw naman making, hmm.. i-try ko kaya kay Dustin?

“JD, eto yung notebook mo, naiwan mo daw dito sabi ni Jasper.”

“Binasa mo?”

“Baket? Diary mo yan noh! Yiieee, puro si Kurt nakalagay dyan?”

“H-hindi ah! Basta! Binasa mo ba?”

“Hindi ah, nasa bag ko lang iyan buong weekend.”

“Good morning pretty ladies,” bati ni Dustin saamin. Gulp, maitatanong ko kaya sa kanya? “Oh ganyan ba ako kagwapo at napapatitig ka saakin?”

“Ha? Hindi ah, kapal mo.”

“Bakit nga ba? Pakiramdam ko may sasabihin ka,” bakit ba ang gagaling nilang manghula?

“Oo, pwede ka ba mamayang lunch?”

“HALA! Shein! Magtatapat ka sa kanya?!” gulat na gulat na tanong ni JD.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon