Chapter 10: His skill (part 2)

221 4 0
                                    

[A/N : Yahallo, nakapag-update ako, pero di pa rin ako pinapansin ng sis ko, pero siguro magiging okay di ang lahat. Keep on reading :) again sorry for typo errors]

[Cylann’s POV]

Natatawa lang ako sa kanya at sa kaibigan nya. Ang akala ba nila hindi ko alam na sinusundan nila ako?

Nang makauwi na ako sa condo, nag-ring ang phone ko. Tch. Trabaho ulet?

[Shein’s POV]

Alam nyo na siguro yung nangyari?

Nakatali ako sa madilim na lugar na puro lalaki, kasama ang demonyo kong classmate.

“bakit ganyan ka makatingin, sensya ka, medyo tanga ka at  pakalat kalat ka pa, kailangan pa naman kita” sabay tawa ni Paul slash sana makain ng titan.

May tinawagan sila sa phone.

“oh, hello Tyrone!” sabi nung isang guy.

Sino bang Tyrone yan. Last time ko pa nadidinig yan. And author. Maawa ka sa plot ng story. Nakakasawang nakikidnap na ako.

[a/n : zzzzzzzzzzzzzz]

Waaaaah. Author naman e!

“may ipapadinig kami sayo” itinapat saakin yung phone at tinapakan nila yung paa ko. Pero sensya sila immune na ako.

“di ka sisigaw? Di ka hihingi ng tulong?” sabay tutok saakin ng baril.

Tinitigan ko lang sya.

“tapang mo talaga Shein ah!” sigaw ni Paul nang sirain ang blouse ko.

“tama na!!!” napasigaw ako bigla.

“ahahaha! Sigaw pa!" sabay hatak ng buhok ko.

“wag Paul! T-tama na!” humahagulgol kong sabi.

“anong kailangan nyo?” nadinig kong sabi noong nasa kabilang linya.

“Tyrone! Hindi mo ba sinasabi sa kanya kung sino ka?”

“Ano bang kailangan nyo?” tanong uli ng kausap sa kabilang linya.

“Walanghiya ka PAUL!!!” Gusto kong patayin ang hayop kong classmate! Walang modo!

“Tumigil ka! Lalaslasan kita Babae ka!”

“sabihin nyo na ang gusto nyo.” Sabe sa kabilang linya.

“Yung usapan, patayin mo si Mr. Robert Cruz” T-tatay yun ni JD ah! “SAGLIT!! SAGLIT!!” sabat ko. “WAG!! TATAY SYA NI JD! W---“

“Papatayin kita pag di ka pa tumigil !” hinablot nung isang lalaki ang braso ko.

“W-wag please kung sino..” alam kong basag na ang boses ko. Wait, papatayin, pumapatay yung kausap nya, hindi kaya sya si----

“payag ako, wag nyong lang syang galawin. Alam nyo mangyayari pag nasira ang usapan, ihanda nyo din yung bayad saakin”

Tut tut tut tut.

“ahahahahaa! Usapan? Sinong niloko nya?” Lumapit saakin si Paul at hinaplos ang braso ko.

“damn you paul! Eto na ba yung trabaho mo?! Manyak! Lumayo ka!” nagpapapalag ako.

“ahahaha! Yung lalaki? Kilala mo? mas nakakatakot trabaho nya!! “ sabay hagalpak. Bigla nyang hinablot ang braso ko.

“TAMA NA!! WAG!! P-paul!!”

Bang!

Bigla nalang bumagsak sa sahig yung kasama ni Paul.

“ah, Dito ka pala pupunta. Tignan natin ang galing mo” tinutok saakin ang baril at ….

BANG!

*Clank clank.*

Pagdilat ko, magkalapit na ang mukha namin ni Cylann. T-TEKA? SABE KO BA CYLANN.. SI CYLANN? Andito sya ?!

Mabilis nya akong kinalagan. tumayo siya at ibinato saakin ang hoodie nya. Shete! sira pala yung blouse ko .. nakakahiya sa kanya.

“p-paanong?” nauutal na sabi ni Paul. Tinutok ulit ni Paul ang baril kay Cylann at ipinutok. Ang mas nakakagulat, itinutok din ni Cylann ang baril katapat ng baril ni Paul at sabay silang nagpaputok.

Clank.clank.

I-impossible . kayang barilin ni Cylann ang bala ng baril sa ere? Napapanuod ko ang ganto sa anime pero true to life ito!

“Paul..”

“HAH! Alam nilang ikaw si Tyrone—papatayin ka nila Cylann, lahat ng malapit sayo lahat .. la—“

Binaril ni Cylann si Paul. Pumikit ako that time. Cylann’s eyes looked merciless that time. Nakakatakot.

Nang wala nang ingay..

“Okay ka lang? tara na, umuwi na tayo..” Nung dumilat ako, napatitig ako sa mata nya, iba na ulit yung mata nya, bumalik sa dati.

“S-sino si Cylann at Tyrone?” Out of the blue kong tanong.

“Pag sinagot ko iyan, wala na munang dagdag tanong..” bumuntong hininga sya. “Tyrone is my killing job name. Cylann is my real name” Humikbi ako. Natatakot ako, sa lahat, sa lahat, ganoon lang ba kadali  kumuha ng buhay?

“I’m sorry”

“wag mo nalang akong iiwan, please?” wala akong masabi kung hindi iyon.

Hindi sya sumagot pero isang ngiti ang ipinakita nya, binuhat nya lang ako at dinala sa dorm ko.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon