Chapter 34 : The Memory

139 4 1
                                    

[A/N : Nababasa ko po lahat ng comments nyo, hindi ko lang po masagot isa isa dahil diretso type na ako ng UD. kaya eto, UD ulit kasi baka next week na ang UD o next next week pa, intay intay lang minna-san :D so, enjoy :D]

 

[Shein’s  POV]

“I will make you fall for me.”

I will – ano daw? Hindi kasi nag-sink in sa utak ko yung sinabi nya. Tsaka ang bilis ng pangyayari, hindi nyo ba napansin?

“Shein.”

“Wait, wag kang maingay nagmo-monologue pa ako.”

“Sorry.”

Aish.

“Sky, este, Kyle, sino ka ba talaga? Paano mo ako nakilala?” tanong ko sabay turo sa sarili ko.

“Why don’t you ask your mom?”

“And why?”

“She knew.”

Si mama? E bakit? WOAH! Don’t tell me fiancé ko ito?! Erase. Erase. Don’t jump into conclusions Shein.

“Sige Shein, I will see you again,” tapos tumakbo sya palayo saakin, hinabol ko sya pero pagliko ko sa may quadrangle, nawala na sya. Asan na yun? Ang bilis naman nya.

Narinig ko ang tilian ng mga estudyanteng nanunuod sa shooting, ah, nandoon na sya. Sino ba talaga si Kyle?

“Makauwi na baka maabutan pa nya ako. Lagot ako.”

“Talagang lagot ka.”

“AY JUSME! Kurt naman! Akala ko kung sino.”

Buti si Kurt, kala ko si Cylann, baka lumubog ako sa kinatatayuan ko pag naabutan nya ako.

“Kanino ka lagot?”

“Wala yon, e teka, bakit ka pa nandito?”

“Si Jazz kasi, nakita mo ba? Wala sa shooting place e, pati sa clubroom.”

“Baka umuwi na.”

“Siguro nga, una na din ako,” yun lang at nag-wave na sya saakin, ngumiti ako at nag-wave back kay Kurt. Ang sweet naman nya, hinahanap pa nya si JD.

“Fuwaaa~ sakit ng ulo ko sa nangyayari.”

 

Calling. . .

Cylann

“Yoboseyo?”

“Wag mo akong ginagamitan ng Korean word, nasa dormitory ka na?”

“Opo sir.”

Toot. Toot. Toot.

Wow. Ang ganda ng mood nya ha.

“Nakakainis ka, argh!” sabi ko habang pinaggigigilan ang kawawa kong stuffie na si Roumang Doll, “nakakaasar kang Cylann ka! Pag nakita kita babalian kita ng buto! Pipigain kita hanggang sa ma-extract ko ang dugo mo! Kainis!”

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon