Chapter 1

81.6K 2.4K 1.3K
                                    

Wonderland






Hindi niya nakita ang hinahanap niya kaya naman niyaya niya na akong pumasok sa loob ng venue. I was amazed by their place, it's spacious and halos kasing laki na ata ng isang buong resort ang buong Villa nila.

Ngumisi ako ng makita ko ang pagkaway ni Piero, matapos niya akong murahin sa tawag kanina at sabihang makapal ang mukha dahil pagkain lang ang pinunta ko dito ay sasalubingin niya ako na akala mo kalalabas ko lang ng airport.

Mula kay Piero ay lumipat ang tingin ko sa pinsan kong si Eroz na halatang patayin na ako sa klase ng tingin niya sa akin. Look at this idiot.

Lumapit ako sa mga pinsan ko para tapikin sila sa balikat, matapos kong tapikin sa braso si Eroz ay inirapan niya lang ako. Maybe he still think na aagawin ko sa kanya si Gertie. I know and respect bro code, pag alam kong wala na akong pag-asa hindi ako na mimilit. Sa gwapo kong to?

"Ninong Hobbes" madiing sabi ni Gertie habang maingat na iniaabot si Gianneri sa akin.

Nanatili ang titig ng inaanak ko sa akin, hindi siguro makapaniwala na nakakita siya ng totoong gwapo. Ikaw ba naman araw araw makakita ng magkakahawig na tao, ang Daddy niya at mga Tito.

"Oh, ngiti. Amputa" si Piero ng on the spot ay pinicturan niya ako habang hawak si Gianneri.

Ginawa daw iyon ng lahat ng mga Ninong at Ninang kanina sa simbahan. Buong gabi ata nilang isusumbat sa akin na wala ako kanina.

"Congrats, Babe..." napahinto ako sa pagtawag kay Gianneri ng magprotesta si Gertie. Muntik ng tumayo si Eroz at mukhang handa na akong suntukin. "...Baby. Congrats, Baby Gianneri" paguulit ko.

Tumawa si Piero at sinuntok ako sa braso.

"Wag pakainin si Hobbes, gutumin hanggang mamatay" si Tadeo na bata pa lang kami ay may tinatago na talagang pagka-brutal.

Mas lalo akong tinawanan ni Piero ng magumpisa akong isayaw si Gianneri ng maramdaman kong nagproprotesta na ito, panay na ang lingon niya sa Mommy niya at ano mang oras ay iiyak na.

Paulit ulit ko siyang hinalikan sa ulo, alam ko kasing kukuhanin na siya ni Eroz sa akin. Sa tingin pa lang nito ay mukhang tutumba ako sa kinatatayuan ko ng gutom.

"Hindi pa pwede mag anak" nakangising kantyaw ni Kenzo sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Bigyan niyo muna ko ng girlfriend" biro ko sa kanya.

Wala na akong nagawa ng kuhanin na ng tuluyan ni Eroz ang anak niya sa akin. Buong akala ko ay may kasama pang suntok, buti naman at wala. Natatawa akong napahaplos sa aking panga, wala pang laman ang tiyan ko para tumanggap ng suntok.

Tangina Hobbes, pagkain lang ata talaga ang pinuntan mo dito.

"Gertie, regalo ko para kay Gianneri" sabi ko dito before I handed her the small paper bag from a jewelry brand.

"Thank you, Ninong Hobbes" Gertie said on behalf of Gianneri na ikinatawa ko. I find her too adorable. Masyado siya sweet and soft para sa masungit na si Eroz.

Wala akong magagawa, Opposite attracts. Minsan yung mga hindi mo daw tipo yung nakakatuluyan mo. I doubt that, kukuha ba ako ng hindi ko tipo? Siraulo ba ako para gawin yon?

"Napapaghalataan ang pagiging babaero sa regalo, dinamay mo pa yung pamangkin namin" si Cairo na mukhang may hinanakit din sa akin ng malaman niyang tinawag kong Babe si Tathriana na asawa na niya ngayon.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon