Binibini
Ilang minuto na ang lumipas bago ko narinig ang pag-alis ng sasakyan ni Hob. Hindi kaagad ako pumasok sa kwarto sa takot na makita ni Nanay ang itsura ko at ang aking pag-iyak.
Pagod kong napa-upo sa aming mahabang upuan. Napahilamos ako sa aking mukha nang ma-isip kong hindi naman ako ganito. Hindi dapat ako nagkakaganito.
Hindi ikaw ito, Alihilani. Hindi ikaw ito.
Halos mag-iisang oras din akong natago sa dilim, ilang beses na napatulala habang pilit na ikinakalma ang aking sarili. Dala na din siguro ng alak at sa dami ng iniisip.
Tama si Nanay, dapat hindi mawala ang communication sa pagitan namin ni Hob. Kung talagang gusto naming magtagal ang relasyon namin...kailangan naming magka-intindihan.
Sinugurado ko munang naka-sarado ng maayos ang aming pintuan. Matapos iyon ay nag-ayos na din ako ng aking sarili bago ako humiga sa tabi ni Nanay para matulog na din.
Tipid akong napangiti ng makita kong mahimbing ang tulog niya. Maaliwas ngayon ang mukha ni Nanay kaya naman ang sarap niyang pag masdan. Iniisip ko tuloy na mas maayos pa noong una na wala lang akong ibang iniisip kundi siya...kaming dalawa.
Pero hindi ko din naman pinag-sisisihan na nakilala ko si Hob. Mahalaga siya sa akin, mahal ko siya kaya naman wala akong dapat pagsisishan doon.
Tanghali na ako nagising kinabukasan dahil wala din naman akong pasok dahil araw ng linggo. Paniguradong pagod at puyat din ang lahat kagabi dahil sa nangyaring bridal shower ni Yaya Esme.
"Anong oras ka na naka-uwi kagabi?" tanong ni Nanay sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
Nauna siyang gumising sa akin at may nakahanda ng almusal sa may lamesa. Abala siya sa pagliligpit ng mga tela na ginagawa naming basahan.
"Mag-aalas dos na din po, Nay."
Tipid siyang tumango habang abala pa din sa ginagawa. Sumimsim ako sa aking ma-init na kape habang nakatingin pa din sa kanya. Maya maya ay nilingon niya ako na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyon ng mukha ko.
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.
Napa-ayos ako ng upo at kaagad na tumango bilang sagot. Tipid din akong ngumiti para hindi na mag-alala pa si Nanay sa akin.
Nagtaas siya ng kilay. "Sigurado ka, Alihilani?" tanong niya sa akin.
Napakagat ako sa akingh pang-ibabang labi ng tumango ako kay Nanay. Alam kong masama ang magsinungaling pero ayoko lang talagang mag-alala pa siya para sa akin.
"Hindi ko talaga gustong umalis na hindi ka kasama," sabi niya sa akin.
Ngayong araw siya susunduin ni Kuya Simeon para magbakasyon sa kanila bago siya umalis para mag-trabaho sa ibang bansa.
"Sandali lang naman po iyon, Nay. Miss na miss na din po kayo nina Kuya," sabi ko sa kanya.
Naiintindihan ko din naman kung bakit may tampo sina Kuya kay Nanay dahil halos hindi nito gusto na magkahiwalay kami. Hindi ko din naman iyon gusto pero kailangan din ni nila si Nanay kaya naman wala akong karapatang ipagdamot siya sa mga ito.
Nagpunas ako ng kamay matapos kong maghugas ng mga plato. Isang beses kong tiningnan ang phone ko at nakita ang ilang message galing kay Vera, tinatanong niya kung ayos lang daw ba ako. Ilang message din mula kay Julio. Wala ni isa galing kay Hob.
"Tuloy ba ang punta niyo ng Manila ni Hob?" tanong ni Nanay sa akin ng lumabas kami sa bakuran.
Inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng ilan naming tanim.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin