Chapter 41

51.8K 2.5K 1.5K
                                    

Babalik





"Hob..." tawag ko pa din sa kanya kahit nasaktan ako dahil sa sinabi niya.

Muli kong sinubukang hawakan siya pero kagaya kanina ay tinabig niya lang ang kamay ko na para bang nandidiri siya sa akin.

Tumawa siya ng pagak kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Mahal kita, Alihilani. Mahal kita!" asik niya sa akin.

Mas lalong bumuhos ang sakit na nararamdaman ko ng makita kong nasasaktan din siya.

"Ikaw din?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Ikaw din...niloko mo ako," dugtong niya na mabilis kong inilingan.

"Hindi ko alam kung anong nangyari, Hob. Hindi ko alam..." umiiyak na sumbong ko sa kanya dahil sa takot.

Wala akong kahit anong maramdaman sa katawan ko. Alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin ni Hunter.

"Hob...please, hindi ko gusto to," paki-usap ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan ko siya ngayon.

"Tama na! Tama nga sila...Tama silang lahat!" asik niya sa pagmumukha ko bago niya ako tinalikuran at tuluyang iniwan.

Halos mapaiktad ako sa takot ng padarag niyang isinara ang pintuan. Nanghihina akong napaluhod sa sahig dahil sa hindi malamang dahilan. Ni hindi nga ako makapag-isip ng maayos.

"Alihilani? Anong nangyari?" tanong ng kagigising lang na si Hunter.

Kaagad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Kita kong mariin itong napapapikit dahil sa iniiandang sakit sa kanyang ulo.

"Masaya ka na ba!?" asik ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Mabilis niyang tinanggal ang kumot na nagtatakip sa kanyang katawan. Naka-suot pa siya ng boxershorts kaya naman mabilis siyang nakalapit sa akin.

"A-anong...Anong nangyari?" naguguluhang tanong niya.

Kaagad ko siyang nilapitan para hampasin, paluin, at suntukin hangga't makakaya ng natitira kong lakas.

"Wag ka ng mag maang-maangan!" asik ko sa kanya.

Kita ko pa din ang gulat sa kanyang mukha at halatang naguguluhan pa din sa mga nangyayari kahit sinasaktan ko na siya.

"Wala na! Wala na si Hob!" asik ko at mas lalong naiyak.

Wala na siya sa akin. Natatakot akong harapin akong katotohanang iyon pero alam kong nawala na siya sa akin simula nang makita niya ang ayos namin ng kapatid niya.

Pinigilan niya ako at pilit na ikinalma. "Wala akong alam dito," giit niya.

Hindi ako naniwala at mabilis na nagpumiglas para muli siyang saktan.

"Wala akong alam dito," pag-uuit siya at kahit ramdam ko ang sinseridad sa boses niya ay hindi ko pa din mapigilang hindi magalit sa kanya.

"Ang sama mo! Ang sama sama mo!" sigaw ko sa pagmunukha niya bago ko siya iniwan doon.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umiiyak ako sa elevator kaya naman pinagtitinginan ako ng mga kasabay ko. Hindi ko sila pinansin, napapahawak na lang ako sa aking dibdib sa tuwing nakakaramdam ako ng pagsikip nito.

"Taxi!" para ko.

Hindi ko na pinansin pa kung agawa atensyon ako sa labas ng building na iyon. Tinakbo ko ang papunta sa taxi at mabilis na sumakay. Sa ilang beses naming pagpasok sa subdivision nila ay natandaan ko naman ang pangalan nuon kaya kaagad kong sinabi sa driver.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon