Request
Araw ng linggo ng maaga kaming mag-simba ni Nanay, pasikat pa lang ang araw ng naghanda na kami para dito, ganito ang gawain namin tuwing araw ng linggo. Mas maaga para malamig pa at makaupo kami ng maayos sa loob, kung tanghali na kasi ay madami ng tao, tayuan, at mainit.
"Hintayin niyo po muna ako dito, Nay. Tatawag lang po ako ng tricycle" paalam ko sa kanta pagkalabas namin ng bahay.
Kaagad akong naglakad patungo sa may kanto para mag-abang ng tricycle. Kaya naman ni Nanay na maglakad, pero mas mabuti na ang sigurado. Ayokong mapagod siya lalo na at mabilis siyang manghina dahil sa sakit niyang Lupus.
Ang sabi nga noon sa kanya ay mahihirapan siyang manganak kung sakaling babalikin niya. Pero tingnan mo at tatlo pa kami ngayon.
"Sa malaking simbahan po" sabi ko sa tricycle driver na pinara ko.
Sumakay na ako at sinabing may susunduin pa kami sa loob. Tahimik lamang ako buong byahe habang nakakapikit sa braso ng tahimik ding si Nanay. Minsan na lang din siya makalabas ng bahay dahil medyo sensitbo na din ang balat niya sa sikat ng araw.
Sa pinakaharap ng simbahan kami umupo dahil iyon ang gusto ni Nanay, paunti unti pa lang din ang pagdating ng mga taong magsisimba, karamihan sa mga ito ay may edad na. Ang mga kabataan kasi ay mas gustong sa tanghali nag si-simba o kaya naman ay hapon.
"Magandang umaga, Cleo" bati kay Nanay ng isa sa mga kakilala.
Bumati pabalik si Nanay bago kami tuluyang umupo, maingat ko siyang inalalayan na makaupo ng maayos. Kung minsan ay natatawa na lamang siya dahil sa ikinikilos ko, hindi naman daw siya baldado o kung ano pero kung ingatan ko siya at alalayan ay parang ganon nga.
Pagkatapos ng misa ay hinayaan na muna naming maunang maglabasan ang ibang tao. Kung makalabas kasi ay naguunahan pa.
"Cleo, Alice!" tawag ni Aling Rita sa amin.
"Magandang umaga po" bati ko sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa aming gawi.
Isa siya sa mga suki namin sa pananahi, halos tatlong beses sa isang taon siya magpatahi ng kurtina sa amin. Iba pa kung may mga okasyon.
"Magpapatahi sana ako ng kurtina, nagpa-expand kami ng bahay...may bago kaming malaking bintana sa may sala, at nag padagdag din ng veranda, may sliding door kaya naman papagawan ko din sana ng kurtina" kwento niya sa amin.
Nilingon ko si Nanay, gusto ko sanang tumanggi. Ni ayoko na nga sana siyang manahi ng basahan, mas mabigat na trabaho ito. Kahit suki na namin si Aling Rita ay tatanggi ako kung hindi makakabuti kay Nanay.
"Pero kasi po..."
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng marahang hinawakan ni Nanay ang kamay kong nakakapit sa kanyang braso.
"Oo naman, sabihan mo lang kami kung anong disenyo ang gusto mo. Wala naman akong ibang gawa ngayon...puro basahan lang" sagot ni Nanay sa kanya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
Gusto ko siyang pigilan, pero iniisip kong baka kung kokontrahin ko siya sa mga ganitong bagay ay mas lalo niya lang maramdaman na may sakit siya. Siya na din ang nagsabi sa akin noon na kung magkaka-sakit ka, wag mong mamahalin ang sakit mo, wag mong aalagaan dahil mas lalo ka lang kakainin nito. Kailangan mong labanan.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin