Chapter 4

46.5K 2K 1.2K
                                    

Blueprint





Hindi ko na ulit siya pinansin pagkatapos non. Nanahimik lang din naman siya habang hawak ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya. The way she hold it, parang ingat na ingat siya. Ilang beses ko pa siyang nakitang napapatitig doon.

"Ito na po, Sir" sabi ng babaeng nag arrange ng flower.

"Thank you"

Nakasunod lang si Alice sa akin pagkalabas ko ng flower shop. Dumiretso kaagad ako sa backseat para maingat na ilapag yung bulaklak para kay Vera. I feel so proud, salamat naman at kahit papaano ay nagkaroon ako ng chance na ma-reedem ang sarili ko mula sa kahihiyan ko noong una.

Napabalikwas ako ng marinig kong bumukas at sumara na ang pinto sa may passenger seat. Hindi na niya hinintay pa na pagbuksan ko siya. Hinayaan ko na lang at umikot na ako papunta sa may driver seat.

"Liliko ba tayo dito, or diretso lang?" tanong ko.

Mula sa bulaklak ay nag angat siya ng tingin sa may kalsada. Nagtagal ang tingin ko sa kanya ng makita kong humaba pa ang nguso niya habang nagiisip. Magiisip na lang, ang tagal tagal pa.

"Ikaw ang bahala" sagot niya sa akin na mas lalo kong ikinainis. Naghihintay ako ng maayos na sagot, buong akala ko ay makakakuha ako sa kanya dahil ang tagal niyang sumagot tapos ngayon ay sasabihin niya sa aking ako ang bahala?

"Taga dito ka, mas kabisado mo ito kesa sa akin" laban ko.

Bahagya pang kumunot ang noo niya. Indication na kung itutuloy ko ang pangungulit ay magagalit nanaman siya.

"Idiretso mo na lang, tapos ikot na lang ulit" sagot niya sa akin. Tumikhim pa na para bang ayaw niya ng makipagusap ulit.

Ang babaeng ito, kaya siguro mainit ang dugo ko sa kanya ay dahil ganoon din siya sa akin. Well guess what, the feeling is mutual. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko din sa kanya. Pasalamat siya at bestfriend siya ni Vera.

Mas lalo pa akong nairita ng mag traffic. Diretso ang tingin ko sa kalsada, pero kita ko sa aking peripheral vision na halos hindi na maalis ang tingin niya sa bulaklak.

"First time mo bang makatanggap ng bulaklak?" tanong ko. I just want to kill the boredom, kung hindi lang traffic ay hindi ko din naman siya kakausapin.

Hindi pa siya nakakasagot ng muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tita Elaine, marami nga palang manliligaw ito at may boyfriend pa. What a stupid question, Hobbes!

"Hindi" tipid na sagot niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko ng magiwas siya ng tingin, humarap sa may bintana at maingat na inilapag ang bulaklak sa kanyang lap.

"Si Vera ba madaming manliligaw dito?" tanong ko. We can give it a try, baka naman pwede ko din siyang maging kaibigan para naman hindi siya palaging galit sa akin.

Nanatili ang tingin niya sa may bintana bago siya nagkibit balikat. "Hindi ko alam" sagot niya sa akin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Medyo bastos talagang kausap.

Kumunot ang noo ko ng ibalik ko sa kalsada ang tingin ko.

"Alam ni Vera halos lahat sayo, tapos ikaw..." I don't wanna be sound bitter for Vera, pero ayoko na ginaganon siya.

"Baka bumalik lang din si Vera sa ibang bansa, mas mabuting wala akong alam tungkol sa kanya" she said.

Napaawang ang bibig ko. Hanggang sa mag sink in sa akin ang lahat, this girl is just like me, takot ata sa commitment. Takot ma-attach sa ibang tao. Dahil sa isiping anytime soon, pwedeng umalis si Vera.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon