Chapter 45

56.5K 2.7K 1.4K
                                    

Back





Kita ko ang saya at excitement sa mukha ni Chelsea dahil sa sinabi ko sa kanya. Tipid akong ngumiti, masaya din naman ako at excited pero hindi pa din maalis sa akin ang kaba at takot na baka may mali nanaman akong magawang desisyon.

Hindi din kung bastang lugar lang ang Manila na gusto kong balikan. Nandoon lahat ng mapapait na ala-ala ko kasama si Hob. Pero kung hindi ko haharapin ang sarili kong takot...habang buhay kong dadalhin ang bigat at mahihirapan akong makabangon pa.

"Unang kita ko pa lang talaga ng mga designs mo," nakangiting sabi ni Chelsea sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

Isa pang tanong ko ay kung saan niya nakita ang portfolio ko gayong wala naman akong ma-alala na binigay ko iyon sa kanya.

"P-pero hindi naman ako nagpasa ng portfolio sayo..."

Nag-taas siya ng kilay. Kumunot sandali ang kanyang noo bago siya napanguso at parang may naalala pa.

"Binigay ni Hob sa akin ang portfolio mo noong nasa Manila pa kayo. Proud na proud nga ang loko..." naka-ngising kwento ni Chelsea kaya naman natahimik ako.

Ramdam at kita ko naman noon kung gaano ako sinuportahan ni Hob sa paggawa ko ng mga damit at pananahi. Hindi naman siya kailanman nagsabi ng hindi maganda sa gusto kong gawin.

"Takot sigurong gawin kitang model kaya pinasa kaagad sa akin ang portfolio mo," dugtong pa niya kaya naman nanatili akong nakayuko.

Hinawakan ko ang ring finger kung saan nakalagay dati ang singsing na ibinigay niya sa akin. Itinago ko iyon kasama ang ilang gamit na galing sa kanya.

Pakiramdam ko ay iyon ang tamang gawin lalo na't wala na kaming dalawa. Panigurado nga akong itinapon na niya ang mga gamit kong naiwan sa kanila pra lang hindi na ako ma-alala.

Gustuhin ko mang itapon ang mga gamit na nagpapaalala sa akin sa kanya ay hindi ko magawa. Totoong minahal ko si Hob kaya naman hindi magiging madali iyon para sa akin. Kahit gaano ka kagalit sa isang tao kung totoo naman talagang minahal mo siya ay gugustuhin mo pa din siyang ma-alala dahil naging parte pa din naman siya ng buhay ko.

"Kaya nga hindi ko lubos ma-isip na maghihiwalay pa kayo. Sa tuwing ikinikwento ka nga non sa amin...parang baliw," kwento pa ni Chelsea sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko din naman maitatangging kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay ni Hob. Naglihim ako sa kanya at nakita niya kami ni Hunter sa iisang kama. Hindi ko man ginusto ang lahat ng iyon ay nangyari na. Nasaktan ko na si Hob kaya naman wala na siya sa akin ngayon.

"Aayusin ko kaagad ang transfer paper mo. Next week siguro ay makakakuha na tayo ng sagot mula sa main office," sabi ni Chelsea sa akin.

"S-salamat..." nahihiyang sabi ko sa kanya.

Ngumuso siya at nginisian ako. Hinawakan niya ang kamay kong nasa taas ng lamesa.

"Wala iyon, Alihilani. Magkaibigan tayo," paninigurado niya sa akin.

Mas gusto ko ding talagang dumaan sa tamang proseso ang paglipat ko sa main office nila. Ayoko naman na isipin ng iba na ginagamit ko ang pagiging magkaibigan namin ni Chelsea sa trabaho. Kung sakaling hindi nila nagustuhan ang portfolio ko ay hindi din naman ako mamimilit na magtrabaho sa main office nila sa Manila.

Bumalik ako sa may production area para ipagpatuloy ang trabaho ko. Hangga't wala pa akong pinipirmahang bagong kontrata sa bagong trabaho ay may responsibilidad pa din ako dito.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon