Chismiss about A. Salvador - No more Sunrise Chapter 3. Love lots, Maria
_______________Raptor
Araw ng linggo ng bisitahin kami ni Kuya Simeon. Ramdam ko ang pagka-sabik ni Nanay sa kanya ng makita ko kung gaano kahaigpit niya ito niyakap.
"Mahirap din ito para kay Kuya Santi, Nay. Mabigat para sa kanya ang mag-desisyon gayong hindi kayo pabor sa pag-alis niya," sabi ni Kuya tukoy sa hindipag-suporta ni Nanay sa pag-aabroad ni Kuya Santi.
Hindi kaagad nakasagot si Nanay. Kita ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa aking nakatatandang kapatid kaya naman nilingon ako ni Kuya Simeon. Tipid ko siyang nginitian bago ko binalik sa pagtitimpla ng kape ang aking buong atensyon.
"Hindi ko din naman gusto na pigilan siya. Natatakot lang ako na kung anong mangyari dito ay hindi ko makikita ang kapatid nito," paliwanag ni Nanay. Naiintindihan ko iyon, at masakit iyon para sa akin.
"Nay, bakit po kasi kayo nag-iisip ng ganyan?" tanong ni Kuya.
Hindi sumagot si Nanay hanggang sa maihatid ko na sa may sala ang kape na ginawa ko para sa aming tatlo.
"Mag-kape ka muna, Kuya."
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Kuya Simeon sa aking bawat pag-galaw.
"Ikaw, Alihilani...Kamusta ka na?" tanong niya sa akin.
"Ayos lang po, Kuya."
Ramdam ko naman ang pagmamahal nila sa akin bilang bunsong kapatid nila. Hindi lang din talaga maiwasang hindi sila mailap sa akin lalo na sa ginawa ni Tatay kay Nanay noon. Ang sabi kasi ay kahit sa kanila...nangako si Tatay na hindi niya sasaktan si Nanay kaya naman sinuportahan nila ito. Pero maging sila ay binigo niya, naiintindihan ko naman iyon dahil pare-pareho lang naman naming mahal si Nanay.
May ilang pasalubong na prutas si Kuya Simeon para kay Nanay, may ibinigay din siyang mga especial na tinapay na galing pa daw ng Marilao. Kahit ayaw niyang umalis kaagad ay kailangan pa niyang pumasok sa trabaho. Wala pa mang sariling pamilya o kahit nga ata nobya ay nagsusumikap din si Kuya Simeon para tumulong sa mga pangangailangan ni Nanay.
Naging abala kami sa factory kinaumagahan. Tuloy na tuloy na kasi ang pag-alis nina Eroz at Gertie. Ang hininging isang linggo ni Gertie para maka-alis sila para sa kanilang honeymoon ay halos naging isang buwan dahil ayaw niyang iwanan si Gianneri.
"I'm a bit sad lang kasi iiwan ko ang baby ko. This is the first time na magka-kalayo kami ng matagal," kwento pa niya sa akin.
Imbes na maawa dahil sa kalungktan niya ay natatawa na lang ako dahil sa paghaba ng nguso niya habang sinasabi ang mga iyon.
"Para naman kay Gianneri iyon," nakangising sabi ko.
"How? It's a trip din...dapat kasama siya," laban niya sa akin kaya naman hindi ko maiwasang hindi siya irapan.
"Gagawa naman kayo ng kapatid niya, matutuwa si Gianneri pag nalaman niyang may kapatid siya. Kaya siguraduhin niyong buntis ka pag balik mo dito," sabi ko sa kanya kaya naman halos mamula ang mukha ni Gertie.
"Alice, you are so...ano naman, it's not like that naman," nahihiyang suway niya, at talagang tatanggi pa!.
"Ganoon naman talaga iyon, tigilan mo nga ako, Gertie," suway ko sa kanya kaya naman mas lalong humaba ang nguso niya.
Bukas na din ang uwi ni Julio kaya naman mas lalong naging maingay si Junie. Simula kasi ng umalis ito para sa trabaho ay hindi naman itinagi ni Junie ang pagka-miss niya daw dito.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin