Alone
Tumayo pa ako para sana salubungin sya pero dumiretso siya sa kanyang kaibigan at kaagad na bumeso dito. The way she held her friend, ramdam kong gustong gusto niya ang presencya nito.
“Good morning” bati ko sa kanya para muling kuhanin ang kanyang pansin.
Gusto kong pumikit ng mariin. Hindi ako yung klase ng tao na papansin, sanay akong ako yung pinapansin kaya naman iba ang pakiramdam ko ngayon, mas lalo akong pursigido na makuha ang atensyon niya. Damn it.
Sandaling tumaas ang kilay niya ng tapunan ako ng tingin. She is wearing a robe, her dark wavy hair is on it’s messy bun. Walang kahit anong nakalagay sa kanyang mukha, pero ang ganda pa din niya.
“Good morning, Jimenez” she said kaya naman ngumisi ako.
Nawala ang ngisi ko ng bumaba ang tingin niya sa hawak kong plastick. Ang lahat ng yabang ko at tapang ay unti unting nagtago ng maalala ko ang mga dala ko para sa akin. Gusto kong kuhanin na lang iyon at itago. Damn it, Hobbes. Bakit mo hinayaang mangyari ito sayo?
“Ano yang dala mo?” she asked.
Napaawang ang bibig ko, nakita kong nagiwas ng tingin ang kaibigan niya sa amin na para bang alam nitong mapapahiya na ako. Tangina.
“Kakanin at sampaguita” diretsahang sagot ko pa din. I still need to save my dignity, iyon naman talaga ang dala ko.
Alanga naman sabihing kong waffle or pancake iyon eh kakanin naman talaga.
Tumawa si Vera, namanhid ang buong katawan ko dahil sa tawa niya. As much as I want to impress her ay hinahayaan kong magmukha akong tanga sa harapan niya. Kasalanan ito ni Kenzo, akala ko ay matinong kausap. Humanda siya sa akin mamaya.
“Thank you, for the kakanins” she said, nakangisi pa din.
Napakamot na lamang ako sa aking batok. Kinuha niya ang plastick at inisa isa iyon. Sa klase ng paghawak niya sa mga iyon ay nakataas pa ang hinliliit niya na para bang nalalagkitan siya doon at ayaw niyang mapunta iyon sa kanyang kamay.
“Alice, you want this Pichi, right?” tanong niya sa kaibigan. Itinaas at ipinakita pa ang isang klase ng kakanin.
Tiningnan lang siya ng kaibigan bago muling bumaba ang tingin nito sa mga telang kaharap niya.
Ngumuso si Vera. “Next time, pwedeng Don Benitos Pichi-pichi? Kasi iyon ang paborito ni Alice” sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
There is nothing wrong with that kung may mga requests siya. I can buy it for her, pero ano namang pakialam ko sa paborito ng kaibigan niya? But still, it doesn’t change the fact na kaibigan niya iyon at mukhang kailangan ko ding ligawan.
Napatango na lang ako at napaayos ng upo.
“Vera” tawag nung Alice sa kanya.
Ngumisi si Vera at nilingon ito. “Kung anong favorite mo, Favorite ko din” she said, napakagat ako sa aking pangibabang labi ng marealize ko kung gaano siya kabait.
So saan banda dito ang sinasabi ni Piero na masama siya? Baka kay Piero lang kasi bully din ang isang iyon. Kung hindi ko lang siya pinsan ay baka kaaway ko din siya ngayon kagaya ni Julio. And speaking of that Julio na kaaway ko kahit wala naman siyang ginagawa sa akin, Maybe I should talk to my Tito Luke na ipadala na lang iyon sa Manila, para masaya ang lahat.
Lumipat ang tingin ko sa kaibigan niyang nangirap pa. Kumunot ang noo ko, masyado ata siyang masungit para maging kaibigan ni Vera.
“Eh ikaw, ano talaga yung gusto mo?” tanong ko sa kanya at pagkuha ng atensyon niya pabalik sa akin.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin