Chapter 36

48.9K 2.3K 1.4K
                                    

Manila





Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa matapos niya iyong sabihin sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o isipin.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Hob sa akin bago niya ako muling hinalikan sa ulo.

"Miss..." malambing na tawag niya sa akin na para bang may nararamdaman siyang takot dahil sa pananahimik ko.

"Matagal mo na siyang kilala?" tanong ko.

"Isang beses lang kaming nagkita," sagot niya sa akin.

"M-matagal mo na siyang hinahanap..." mahinang sabi ko. Hindi na iyon tanong dahil malinaw naman na narinig kong iyon ang sinabi niya tungkol sa babae daw sa bar.

"Dati..." sagot niya sa akin kaya naman marahan akong tumango.

Pinaharap ako ni Hob sa kanya. Kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Walang magbabago sa atin, Miss."

Kahit may naramdaman akong takot ay unti-unti naman iyong napawi dahil sa sinabi niya sa akin. Naniniwala naman ako kay Hob. May tiwala ako sa kanya, ang wala akong tiwala ay sa mga taong nasa paligid namin na gagawin ang lahat para sirain kami.

"Walang magbabago sa atin," paninigurado ko din sa kanya.

Matamis ko siyang nginitian para naman mawala na ang takot niya. Kita ko kasi iyon sa mukha niya.

"Sayo lang ako maniniwala..." madiing sabi niya sa akin.

"Ako din!" laban ko kaya naman tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Gaya-gaya," pang-aasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Pareho kaming natawa pagkatapos noon bago siya humalik sa pisngi ko pagkatapos ay sa leeg. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng maramdaman ko ang kiliti doon.

"Let's stay here for tonight," sabi niya sa akin.

Sumangayon ako kay Hob dahil wala din naman akong kasama sa bahay. Inayos niya ang likod ng kanyang raptor at may inilabas pa na mga kumot at maliit na unan na para bang pinaghandaan niya ito.

"Pinag-isipan mo pa talaga ito ha," puna ko sa kanya kaya naman kita kong parang nahiya pa siya.

"Nalaman ko lang kay Eroz," sagot niya sa akin.

Hinawakan niya ako sa bewang para buhatin pa-akyat sa likuran ng kanyang raptor. Walang kahirap hirap na sumunod si Hob pa-akyat. Umupo siya sa may dulo at sumandal, hinila niya ako pasandal sa kanya kaya naman pareho na kaming nakatingin sa langit na puno ng mga bituin.

"Paano nga pala napunta kay Ahtisia yung phone mo?" pagbasag ko sa katahimikan.

"I don't know. Iniiwan ko iyon everytime I present sa harapan," sagot niya sa akin.

Humaba ang nguso ko. "Magluluto ka pa nga daw ng dinner niyo," sabi ko sa kanya kaya naman narinig ko ang pag-ngisi niya.

"Trabaho lang ang nag-uugnay sa amin ni Ahtisia. Wala ng iba...don't think too much please, Ayokong pinagdududahan mo ako," sabi niya pa sa akin.

"Hindi ko ma-iwasan..." pag-amin ko kaya naman narinig ko ang mahina niyang pag-ngisi.

Itinaas ko ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay ni Hob sa akin. Mas lalo iyong gumanda.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon