Ulit
Imbes na maki-sama pa sa usapan nilang dalawa ay emosyonal akong bumalik sa aking kwarto. Parang hindi ko din gustong damhin ang gabi sa ngayon, hindi ko din gustong makita ang buwan...ayokong makita niyang malungkot nanaman ako.
Sa tuwing kinakausap ko ata siya ay wala na akong ibang ipinaramdam sa kanya kundi lungkot.
Nasasaktan lang ako na dumating sa punto ng isip ni Tatay ang ganoong bagay. Pwede naman sigurong matapos ang lahat ng ito na walang nawawala sa amin. Na maging maayos ang lahat na magkakasama pa rin kami...ulit.
Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi. Nakatitig lang ako sa kawalan at paulit ulit na nag-iisip kung ano pa ang pwedeng paraan para naman matigil na ang galit ni Atheena sa amin. Hindi ko pwedeng baliwalain ang nararamdaman niya gayong siya ang legal na asawa ni Tatay.
Sa mata ng lahat...ang kasiyahan namin ay isang malaking kasalanan.
Kahit papaano ay naka-idlip pa din naman ako nang kusa akong dalawin ng antok. Kahit hindi kumpleto ang tulog ay maaga pa din akong nagising kagaya nang nakasanayan.
"Kung gusto niya ay sa sahig..." rining kong natatawang sabi ni Tatay.
Medyo madilim pa sa labas ay nasa kusina na silang dalawa ni Nanay ay naghahanda ng aming almusal. Hindi kaagad ako dumiretso sa kanila at sandali munang tumigil sa may sala para tingnan si Hob.
Napanguso kaagad ako nang makita kong pilit nitong pinagkasya ang sarili sa aming kahoy na upuan. Nakataas ang magkabilang binti, ni hindi man lang ata niya iyon magawang I-unat. Dahil kung gagawin niya ay lalagpas iyon sa may upuan.
Parang may kung ano akong naramdaman sa aking sinapupunan. Gumagawa talaga ang anak amin nang paraan para iparamdam palagi sa akin na nandyan siya...na kasama ko siya.
"Ang cute ni Daddy...mo?" tanong ko sa kanya habang nakahawak ako sa aking sinapupunan.
Pakiramdam ko tuloy ay siya ang mas gusto sa mga oras na gusto kong titigan si Hob, may mga oras kasi na gusto ko lang siyang makita. Pag nakita ko na ay pwede na ulit siyang umalis sa harapan ko.
Napaiktad ako sa gulat nang marinig ko ang pagtikhim ni Tatay mula sa aking likuran. Mas lalo akong nakaramdam nang hiya dahil silang dalawa pala ni Nanay ang nakatingin sa akin.
"Ma-magandang umaga po," bati ko sa kanialng dalawa at mabilis na lumapit sa kanila para humalik.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" malambing kaagad na tanong ni Nanay sa akin kahit iba ang tingin niya kanina nang abutan niya akong nakatingin kay Hob.
"Ayos naman po kami ni Baby, Nay..." sagot ko sa kanya.
Isinama ko ang Baby ko sa sagot para mas lalo siyang manlambot at hindi na isipin ang nakita niya kanina.
Pinagtaaasan niya ako ng kilay at ngumisi naman si Tatay.
"Ginamit mo pa ang Apo namin para hindi kita mapagalitan, Alihilani..." sita niya sa akin.
Napanguso ako bago akko matamis na ngumiti at muling yumakap sa kanya.
"Bakit niyo naman po ako papagalitan, Nay?" paglalambing na tanong ko kaya naman natawa na siya.
"Kita mo 'tong anak mo, Aranaldo? Marunong maglambing pag takot mapagalitan," sabi niya kay Tatay bago sila na tawa.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Nanay. Double ang saya na nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang tawa niya dahil kay Tatay. Masaya ako na buo na ulit kami, pero may parte sa akin na nasasaktan din dahil nasira ang pamilya nila ni Atheena. Kahit pa alam kong hindi ko naman totoong kapatid si Ahtisia ay iba pa din naman dahil ang alam ng lahat ay sila ang totoong pamilya.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin