Chapter 42

52.6K 2.6K 1.6K
                                    

Resign





Gustong kong maging masaya dahil sa narinig ko. Pero hindi ko din alam kung bakit hindi ko magawang maramdaman iyon. Marahil siguro ay natakot nanaman ako, na baka kung makaramdam ako ng saya ngayon ay lungkot naman ang susunod.

"Hintayin mo si Tatay, Alihilani..." sabi niya sa akin.

Bumalik ang lahat ng sakit nang marinig ko ulit ang mga katagang iyon. Ipinagsawalang bahala ko na lang at marahang tumango habang mariing nakapikit.

"Sino yan?" matigas na tanong ni Kuya Simeon.

"S-si Tatay po...Kuya," alanganing sagot ko sa kanya dahil kanina pa hindi maganda ang kanyang timpla. Naiintindihan ko naman iyon pero ayoko lang na lumalala pa.

"Kakausapin ko," matigas na sabi niya at naglahad pa ng kamay.

Bumaba muna ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay bago ko narinig ang sinabi ni Tatay sa kabilang linya.

"Ang Kuya Simeon mo ba iyan? Sige at ibigay mo," utos niya sa akin kaya naman iyon ang ginawa ko.

Matapos kong ibigay kay Kuya Simeone ang phone ay muli kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nanay. Ilang beses ko iyong hinalikan, panay pa din ang tingin ko sa dibdib niya, sinisigurado kong nagtataas-baba iyon.

"Anong balak mo!?" gulat pero may diing tanong ni Kuya kay Tatay.

"Kasalanan mong lahat ito!."

Nailagay ko na lamang ang kamay ni Nanay sa aking noo at mas lalong napapikit. Mabigat ang pakiramdam ko simula ng dumating ako dito pero hindi ko din halos maramdaman pa dahil wala akong panahong ramdamin siya.

Sa huli ay dahan dahan ding kumalma si Kuya habang nakikipag-usap kay Nanay.

"Wag mong gawing kabit mo ang nanay ko! Hindi siya ganoon," galit na sabi ni Kuya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang boses.

Napatingin ako sa kanya, tinapunan niya lang din ako ng sandaling tingin bago niya ako tinalikuran.

"Pag medyo maayos na ang lagay ni Nanay...ihahatid ko siya sa address na ibibigay ng Tatay mo. Pumayag lang ako dahil hindi ako mapapanatag sa ibang bansa kung iiwan ko kayo dito na ganito lang," paliwanag ni Kuya.

"S-salamat, Kuya..."

"Hindi pwedeng sabay kayong mawala ni Nanay. Dapat ay magpaalam ka na muna sa trabaho at mga kaibigan mo para naman hindi masyadong maging maingay ang pag-alis niyo na parang bigla lang kayong nawala," dugtong pa niya na mabilis kong tinanguan.

Naisip ko din ang mga maiiwan namin dito. Ang bahay, ang trabaho ko, ang mga kaibigan ko...mabigat para sa akin na mapalayo sa kanila dahil itinuring ko na din silang parte ng pamilya ko.

Mabigat sa dibdib habng iniisip kong hindi na ako papasok sa factory kung nasaan ang mga kaibigan ko. Si Junie na sasalubungin ako ng maingay niyang bunganga sa umaga, si Ericka na parang kapatid ko na din, at si Eroz na kahit hindi maganda ang ipinakita ko kay Gertie nung unang pagkikita namin ay naging mabuti pa din sa akin.

Ganoon din ang magpinsang Montero. Si Gertie at ang kadaldalan niya, isama mo pa ang anak niyang nagmana sa kaingayan niya, si Vera na kahit suplada ay naging mabuti sa akin at malapit ko pang kaibigan. Sa isang iglap...kailangan ko silang iwang lahat.

Madaling araw ng magising si Nanay kaya naman umiyak ulit ako habang nakayakap sa kanya.

"Ayos na si Nanay, Alihilani...ayokong nakitang umiiyak ka," marahang suway niya sa akin.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon