Umiiwas
Napaawang ang labi ko dahil sa salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Kahapon lang naman kami nagkita pero kung kausapin niya ako ay para bang matagal na kaming mag-kakilala.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," giit ko.
Mas lalong tumigas ang kanyang mukha, umigting din ang kanyang panga.
"I heard a lot about you..." sambit niya kaya naman kahit papaano ay nagkaroon na ako ng ideya kung saan siya nanggagaling.
"Kung ano man ang narinig mo tungkol sa akin...hindi ko kailangang magpaliwanag sayo. Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan," laban ko sa kanya bago ko siya tuluyang tinalikuran.
Sobrang bigat ng dibdib ko habang naglalakad palayo. Una ay ang tungkol sa balita-balita raw dito tungkol sa nobyo ko, hindi ko pa nga nobyo si Hob ay may ganito na kaagad. Pangalawa ay ang kapatid niya, mukhang hindi ako nito gusto para sa Kuya niya.
Humigpit ang hawak ko sa starp ng bag ko ng marinig ko ang pagharurot ng kanyang sasakyan palayo sa akin. Doon lang tumulo ang luha sa aking mga mata ng makahinga ako ng maluwag.
Nagsisimula na atang ipakita sa akin ng buhay na wala akong karapatang maging masaya. Pumayag akong magpaligaw kay Hob dahil gusto ko siya. Masaya ako sa naging desisyon kong payagan siya. Pero heto't hindi pa nga nagtatagal ay mukhang madami ng problema...at siguradong may mga parating pa.
"Ang tamlay mo," puna ni Ericka sa akin pag dating ko sa may factory.
Ibinaba ko lang ang bag ko sa office bago ako bumaba sa may pantry para kumuha ng kape kahit nakapag-kape na ako sa bahay kanina. Hindi ako mapakali, mabigat pa din hanggang ngayon ang aking bibig.
"Medyo masakit lang ang ulo ko," pagdadahilan ko sa kanya pero nanatili ang tingin ko sa kape na tinitimpla ko. Pakiramdam ko kasi kung titingin ako kay Ericka ay malalaman niyang nagsisinungaling lang ako.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Halos mapasinghap ako ng hawakan niya ako sa aking braso.
"Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap ha," paalala niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian.
"Ayos lang ako," paninigurado ko sa kanya.
Napanguso ito, halatang hindi naniniwala sa aking sinabi kaya naman inirapan ko siya para itago ang aking tunay na nararamdaman. Ayokong mangdamay pa ng iba, ayokong maging sila ay bumigat din ang dibdib o mamorblema dahil sa akin.
Magsasalita pa sana ako ng bigla akong mapahinto sa sumunod niyang sinabi sa akin.
"Palagi mo namang sinasabing ayos ka lang...kahit naman hindi," malungkot na sabi niya sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin.
"Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko," giit ko ulit.
Kaagad siyang bumitaw sa akin para ilagay ang kamay niya sa leeg at noo ko. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa ni Ericka.
"Magpahinga ka muna. Kung gusto mo kami na lang muna ni Junie ang magdadala ng lunch sa site, pupunta din naman kami sa bangko, idadaan na lang namin," suwestyon niya sa akin na kaagad ko namang sinang-ayunan.
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho dahil ngayong araw ang dati nina Eroz at Gertie. Ipinagsawalang bahala ko na din muna kung ano ang iisipin ni Hob pag nalaman niyang hindi ako ang mag dadala ng lunch nila. Alam naman na ni Ericka ang gagawin, tuwang tuwa pa nga si Junie ng sabihan namin siyang siya ang mag-aabot ng pagkain ni Hob sa office nito.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin