Sorry
Nilabanan ko ang tingin ni Hob sa akin. Parehong nangingilid ang luha sa aming mga mata.
Hindi nagtagal ay napasinghap siya at mariing napapikit. Bayolenteng nag-taas baba ang adams apple niya. Mas kaunting saya akong naramdaman dahil hindi niya kinwestyon ang baby ko at kaagad niyang inako na sa kanya.
Mas lalong namula ang mata niya nang muli siyang dumilat at harapin niya ako. Halos mamanhid ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa aking braso. Sa klase nang paghawak niyang iyon ay para bang takot siyang masaktan niya ako.
"Alihilani..." tawag niya sa akin.
Marahan akong umiling at kaagad na napasinghap nang sunod sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Kaagad akong nag-iwas nang tingin sa kanya. Ayokong umiyak sa harapan ni Hob at isipin niyang mahina ako. Gusto kong malaman niya na kaya kong buhayin ang baby ko kahit mag-isa ako.
"Hobbes, baka ma-stress siya at ang baby," suway ni Chelsea sa kanya nang mukhang walang balak na lumayo si Hob sa akin.
Hindi natinag si Hob. Humilig pa siya sa hospital bed para halikan ako sa ulo at malambing na hinaplos iyon.
"Mag kaka-baby na tayo," sabi niya kaya naman mas lalong namanhid ang buong katawan ko.
"Baby ko lang, Hob. Akin lang 'to," giit ko sa kanya. Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko din talaga minsan mapigilan ang mga emosyon ko.
"Anak natin," laban niya sa akin.
Matalim na tingin ang kaagad kong ibinigay sa kanya nang lingonin ko siya. Ginamit ko pa ang natitirang lakas ko para lang itulak siya palayo sa akin.
"Lumayo ka sa akin...Lumayo ka sa akin," pagtulak ko sa kanya.
Hindi siya natinag pero kita ko ang panghihina ni Hob. Mabilis na lumapit sina Chelsea at Thomas para kuhanin si Hob sa tabi ko.
Nang makuha ni Thomas si Hob para ilayo sa akin ay mabilis na lumapit si Chelsea para yakapin ako.
"Shh...makaka-sama iyan sayo at sa baby," marahang suway niya sa akin.
Humigpit ang yakap ko kay Chelsea. Parang mas gusto kong umuwi na lang sa amin at lumayo na dito. Bigla akong natakot para sa baby ko dahil alam na ni Hob. Mayaman ang pamilya nila kaya naman baka may gawin silang kung ano para kuhanin ang baby ko sa akin.
"Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Jimenez pagkapasok niya.
Isang beses nagtama ang mga mata naming dalawa at kita ko naman ang pag-aalala doon.
"Hija..." tawag niya sa akin.
Lalapitan sana niya ako nang kaagad akong mapadaing dahil sa pagsakit ng tiyan ko. Nataranta silang lahat, mahigpit akong napahawak sa sinapupunan ko sa takot na may mangyari sa baby ko dahil dito.
Mabilis na nawala si Hob sa paligid at nang bumalik ay may kasama ng Doctor at Nurse.
"Yung baby ko," umiiyak na sumbong ko sa Doctor nang lumapit siya sa akin.
Sunod sunod ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa takot.
"Kailangan mong kumalma," Suway ng Doctor sa akin kaya naman kahit pinaghaharian ng takot ay iyon ang ginawa ko.
Dahil sa paninigurado ng Doctor na walang mangyayari sa Baby ko sa oras na kumalma ako ay pinilit ko ang aking sarili. Dahil sa pagod at kaninang pag-iyak ay unti-unting nangyari iyon.
"You should check her, baka kung anong mangyari sa kanila ng anak namin," entrada ni Hob.
"Hobbes, normal sa mga buntis ang cramps lalo na kung stress sila at pagod. I advice na double ingat dahil itong mga stage na ito ang medyo crucial pag dating sa pregnancy. Kailangang maalagaan siyang mabuti," sabi ng Doctor sa kanila.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin