Visitor
Mabilis kong binitiwan ang phone ko pagkatapos kong mabasa ang message mula kay Hunter. Hindi ko din alam kung anong dapat kong maramdaman ngayong nandito na daw si Hob sa Pilipinas. Ano naman ngayon kung nandito na siya?.
Buo ang loob ko na pumunta dito sa Manila para magtrabaho para sa mga magulang ko at sa baby ko. Hindi magbabago ang desisyon ko kahit pa magpakita si Hob sa harapan ko. Tapos na ang kung anong meron noon sa amin.
Ramdam ko na mas dumami ang tao sa labas. Mas umingay na din at mas marami na akong narinig na iba't ibang boses. Panay ang inom ko ng tubig, wala pa ngang ilang oras ay halos makalahati ko na ang pitchel sa tabi ng aking kama.
Dahil sa kaka-inom ay panay din ang balik ko sa banyo para umihi. Pakiramdam ko tuloy ay kaya ko ito nagagawa dahil kinakabahan ako kahit hindi naman dapat.
"Anak..." nakangiting tawag ko sa kanya nang makaramdam nanaman ako ng uhaw.
Gumapang ako pababa sa kama para uminom ulit ng tubig. Parang may kung ano ang nasa tubig kaya naman panay ang inom ko kahit wala namang lasa iyon.
Muli akong umupo sa dulo ng kama at ipinagpatuloy ang pagbuburda ko ng mga lapin niyang ginawa ni Nanay. Wala namang kaso sa akin na naka-kulong ako dito sa loob ng kwarto. Mas gusto ko nga ito dahil hindi din naman ako sanay sa ibang tao.
Napalingon ako sa may pintuan nang makarinig ako ng hiyawan. Para bang may importanteng dumating at natuwa silang lahat. Gustuhin ko mang lumapit ulit sa may pinto at idikit ulit ang tenga ko para makinig ay tinamad na akong tumayo at gawin iyon.
Hindi nagtagal ay bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Napanguso ako nang mapatingin ako sa pitchel ng tubig ko at naramdamang hindi na iyon ang gusto ko ngayon. Sinubukan kong tumayo, hinawakan ko din ang phone ko para sana padalhan ng message si Chelsea pero malakas ang kutob kong hindi niya hawak ang phone niya o hindi niya iyon mababasa dahil abala siya sa mga bisita.
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok siya. Ingat na ingat siya sa pagbukas at mabilis na pagsara ng pinto. Matamis siyang ngumiti sa akin.
"May kailangan ka?" tanong niya sa akin.
Hindi pa naman ako nakakapag-send ng message sa kanya pero heto siya't nagtatanong na ng kailangan ko.
"Uhm...medyo nagugutom kasi ako," nahihiyang sabi ko.
Bigla tuloy siyang nagkaroon nang aalagaan kahit dapat ay nag-e-enjoy siya sa party nila.
Matamis na ngumiti si Chelsea. Nakita din niya ang halos paubos ko ng tubig kaya kinuha niya din iyon at lalagyan daw ulit niya ng laman.
"Pasencya ka na...naka-abala pa tuloy ako," nahihiyang sabi ko sa kanya.
Hindi din talaga ako sanay na nang-aabala ng ibang tao lalo na't hindi naman basta basta si Chelsea, siya ang may-ari ng pinagta-trabahuhan ko.
Pabiro niya akong hinampas sa braso. Amoy ko na din ang alak sa katawan niya pero maayos pa din naman siyang kausap.
"Ano ka ba! Para ka namang others. Nag-aalala nga ako sa inyo ni Baby baka naiingayan kayo," sabi niya sa akin.
"Naku hindi...ayos lang kami. Wag mo kami masyadong alalahanin," sabi ko sa kanya.
Nagpaalam sandali si Chelsea na ikukuha ako ng tubig at pagkain. Mabilis ang pagbukas at pagsara niya ng pintuan na para bang ingat na ingat siya sa amin.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang paggalaw ng door knob kaya naman lumapit ako doon para sana tulungan siya sa mga dala. Napahinto ako nang marinig kong kausap nanaman niya si Thomas.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin