Chapter 40

55K 2.5K 1.9K
                                    

(A/n) Merry Christmas! Sunday na siguro ang next update. I love you all! Keep safe and God bless! Love lots, Maria.
______________________


Surprise





Hindi ako naka-imik sa huling sinabi ni Hob tungkol sa akin. Hindi ko alam kung anong una kong dapat maramdaman. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa pag-akusa niya, ngunit hindi din naman talaga ako maka-imik dahil sa panghihina.

Masyado akong naguguluhan. Hindi ko maintindihan kung saang parte ako naging katulad ng mga naging babae niyang niloko siya. Alam kong may kasalanan ako dahil naglilihim ako sa kanya. Pero ito lang din naman ang paraan ko para ma-protektahan siya.

"Hob, dahan dahan..." sita ko sa kanya.

Wala kaming imikan kahit pa nasa byahe. Ramdam ko ang galit niya at kita ko iyon sa pagmamaneho niya. Ilang beses siyang napapamura dahil sa mga kasama sa kalsada.

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy pa din ang pagmamaneho niya. Parang bigla akong namanhid, hindi ko nnapaghandaan ang parteng ito sa isang relasyon. Alam ko namang hindi lang puro saya ang mayroon dito, pero parang hindi ko kaya kung mag-aaway na kami ni Hob.

"P-pag-ayos ka na...pag-usapan natin," sabi ko sa kanya kagay ng palagi niyang sinasabi sa akin noon.

Nanatili ang matalim niyang tingin sa kalsada. Mahigpit din ang hawak niya sa manibela. Napa-iwas na lang ako ng tingin at nanahimik sa tabi. Hindi pa siya handang makinig kaya naman kahit anong sabihin ko ay paniguradong hindi niya maiintindihan.

"Good evening po, Sir Hobbes. Ang aga niyo po..." salubong sa amin ng isa sa mga kasambahay nila.

Mukhang matagal na iyon sa kanila dahil na din sa edad nito.

"Pasabi na lang po kay Mommy na nauna na kami dito kung sakaling tumawag," sabi niya dito.

Kaagad itong tumango kay Hob bago siya tumingin sa akin. Gustuhin ko mang ngitian siya ay hindi ko magawa.

Dumiretso si Hob sa second floor papaunta sa kanyang kwarto kaya naman sumunod ako. Kahit sa boses niya ay ramdam mo talaga kung galit siya o hindi.

"Mag-ayos ka na at matulog," walang emosyong sabi niya sa akin.

"S-sige..." sambit ko.

Lumapit ako sa mga bag kong nakalapag sa tabi ng kanyang sofa. Kumuha ako ng pamalit ko doon bago ako nagtungo sa may banyo. Nilingon ko si Hob bago tuluyanng pumasok, nakatayo siya sa harapan ng bintana, nakapamewang at abala sa kanyang phone.

Matapos kong makapag-ayos ay nagbiihis na din ako ng pantulog. Dumiretso ako pasampa sa kanyang kama. Mula sa pagkakaupo sa may sofa ay mabilis siyang tumayo para pumunta sa banyo.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

Hindi ako sanay na masyado siyang tahimik at hindi ako pinapansin.

"Mauna ka ng matulog."

"I-ikaw?" tanong ko.

"May gagawin pa akong trabaho," sagot niya sa akin at kaagad akong tinalikuran para pumasok sa banyo.

Nagtagal ang tingin ko sa may pintong pinasukan niya, nakayakap ako sa aking mga tuhod habang naka-upo sa itaas ng kama. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang lamig, mas lalo ko tuloy naramdaman na wala ako sa amin. Hindi ako nababagay dito.

Bumaba ako sa kama at lumapit sa malaking bintana. Bilog na bilog ang buwan pero kalahati lang ang nakikita mo, ang abilang bahagi ay natatakpan ng mga ulap. Kahit ganoon ay alam kong sa likod ng mga iyon ay buo pa din siya.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon