Heartache
Wala akong ginawa kundi ang tawagin ang walang malay na si Tatay. Sobrang bigat ng dibdib ko habang nakikita ko kung anong itsura niya ngayon. Puno ng dugo kanyang sariling dugo ang suot na damit. Ni hindi ko nga din makita ang pag-taas baba ng kanyang dibdib tanda na humihinga siya.
"Tay..." umiiyak na tawag ko. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong sabihin para lang dumilat siya at kausapin ako.
"Alihilani," nag-aalalang tawag sa akin ni Hob.
Ramdam ko ang pag-aalo niya sa akin pero walang kahit anong salita ang magpapagaan sa loob ko dahil sa kalagayan ni Tatay ngayon.
"Daldalhin natin siya sa hospital, magiging maayos lang ang lahat," patuloy na pag-aalo niya sa akin.
Halos mapuno din ng dugo ni Tatay dahil sa suot kong damit. Wala akong ginawa kundi ang yakapin siya kahit ilang beses akong pinagbawalan nang kasama namin sa loob ng ambulansya.
Sa huli ay naramdaman ko na lang ang yakap ni Hob sa akin nang tuluyan na akong napahagulgol.
"Ang tatay ko..." sumbong ko sa kanya.
Humigpit lalo ang yakap niya sa akin. Ramdam ko din ang pag-aalal ni Hob para kay Tatay. Kanina nga ay parang gusto niyang sabayan ang pagkataranta ko pero pinanatili niyang kalmado ang sarili at inalo ako.
"Pagbabayarin natin ang gumawa nito kay Tatay," paninigurado niya sa akin.
Naging mabilis ang kilos ng mga tao pagkadating namin sa hospital. Kaagad na dinala si Tatay sa emergency room. Matapos iyon ay inilipat siya sa operating room para tanggaling ang mga bala sa kanyang katawan.
Pagod akong napa-upo sa may tabi at mariing napapikit na lamang. Wala akong ibang pwedeng gawin ngayon kundi ang magdasal para sa kaligtasan niya. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin kay Nanay ang balitang ito.
"Paano si Nanay?" tanong ni Hob sa akin.
Mukhang ang desisyon ko lang din ang hinihintay nila at hindi nila ako pinangunahan sa pagsasabi nito kay Nanay.
Napasinghap ako at marahang napahilamos sa aking palad. Muling namuo ang luha sa aking mga mata.
"W-wag na muna..." maiksing sambit ko.
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kay Nanay sa oras na malaman niya ang nangyari. Baka mas lalo kong hindi kayanin kung maging si Nanay ay makita kong nanghihina.
Marahang tumango si Hob dahil sa aking naging desisyon.
"Dinoble na ni Hunter ang mga bantay niya habang nandito tayo," paninigurado niya sa akin.
Dahan dahang tumabi si Hob sa aking upuan. Kita ko ang hesitation sa mukha niya. Para bang takot siyang tumabi sa akin at bigla ko na lang siyang paalisin. Nakahinga siya nang maluwag nang hayaan ko siya.
Kinuha niya ang duguan kong kamay at mahigpit na hinawakan iyon. Hindi nagtagal ay may lumapit sa amin na isa sa mga tauhan niya para iabot ang kulay itim na jacket. Tumayo si Hob para isuot iyon sa akin. Wala pa rin akong imik habang ginagawa niya iyon.
"You should...you should change. Hindi mo dugo 'yan pero...nag-aalala ako," he said.
Muling bumaba ang tingin ko sa suot kong damit na nabahiran ng dugo ni Tatay dahil sa pagyakap ko sa kanya. Maging ako ay nakaramdam na din tuloy nang takot dahil sa dami non.
"A-ayos lang ako," sagot ko sa kanya at inayos ang suot kong jacket para kahit papaano ay matakpan ang aking damit.
Muling umupo si Hob sa aking tabi. Wala kaming imikan na dalawa habang naghihintay. Kahit pa halos mabingi ako dahil sa katahimikan ay hindi ko naman naramdaman na mag-isa lang ako. Hindi ipinaramdam ni Hob sa akin na mag-isa lang ako.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin