Full moon
"Javier, Ayos na po ang lahat para sa pag-alis niyo ng asawa mo?" tanong ni Mommy sa akin isang araw matapos ang kasal namin ni Alihilani.
Hindi kaagad ako nakasagot kaya naman inisang tungga ko ang hawak kong baso ng tubig.
"Ayos na po, Mommy..." sagot ko kaagad sa kanya nang makabawi ako.
Pansin kong mas excited pa siya sa honeymoon namin ng asawa ko. Hindi ko lang pinapahalata sa kanila pero mas excited ako. My wife told me na ito ang unang beses na makakasakay siya ng eroplano, it's even her first time to travel outside the country.
Excited ako for our honeymoon, but I'm also excited na una niyang mararanasan ang mga iyon na ako ang kasama niya. I'll give her the best travel and moments habang magkasama kaming dalawa.
Nagtaas ako ng kilay nang makita kong mula sa pag-iisip ay unti-unting ngumuso si Mommy. Alam ko na kaagad kung saan papunta ito kaya naman natawa na ako. Naglahad na kaagad ako ng dalawang kamay sa kanya. Nang makita niya iyon ay walang pagdadalawang isip siyang lumapit sa akin para yumakap.
"Hindi na ikaw ang Baby Javier ko," emosyonal na sabi niya sa akin habang naka-yakap.
Mahina akong napahalakhak. "Baby niyo pa din ako, Mommy..." paninigurado ko sa kanya.
Mas lalo akong natawa ang mablis siyang umiling. "Hindi na ikaw, si Allennon na," sagot niya sa akin kaya naman napangisi ako at mariing napapikit.
Ramdam ko ang saya at excitement nila when they knew about our first prenancy. Hindi pa man lumalabas ang anak namin ni Alihilani ay alam na kaagad namin na bukod sa aming dalawa ay mahal na mahal din siya ng mga magulang namin.
"Magse-selos si Hundson," biro ko.
Mas lalong humaba ang nguso ni Mommy. "Anytime soon mag-aasawa na din 'yang kapatid mo," laban niya sa akin kaya naman marahan akong napatango.
"Ang lalaki niyo na, parang nung kailan lang ay sakit pa kayo ng ulo...kasama ng Daddy niyo," sabi pa ni Mommy kaya naman humigpit lalo ang yakap ko sa kanya.
"Mana lang po kay Daddy," nakangising sabi ko kaya naman natawa din si Mommy.
"Tama naman, kung sa akin kayo nagmana...edi sana mababait kayo," sabi niya na ikinatawa naming dalawa pagkatapos.
"Morning. Anong meron dito?" tanong nang kadarating lang na si Hunter.
Bagong paligo ito, naka-suot ng simpleng puting tshirt at dark maong pants.
"Pang-paboritong anak lang 'to," sagot ko sa kanya kaya naman sumama ang tingin niya kung saan bago nagkibit balikat.
Aasarin ko pa sana ulit siya nang makita ko ang pagdating ng aking asawa. Iniwan ko siyang mahimbing ang tulog kanina sa kwarto namin. Nitong mga naka-raang araw ay wala pa akong masyadong maayos na tulog, halos wala akong gawin kundi pagmasdan lang siya sa tabi ko, nakahiga sa kama ko...sa akin na siya, asawa ko na siya.
Matamis siyang ngumiti kay Mommy na katabi ko. Kahit hindi ako ang una niyang nginitian ay ngumiti na kaagad ako sa kanya para hintayin na tumingin naman siya sa akin. She's wearing a baby pink dress, dahil bagsak iyon sa katawan niya ay kita na din ang umbok ng tiyan niya doon.
"Good morning, Hija..." malambing na bati ni Mommy sa kanya.
Mabilis kaming tinalikuran ni Mommy para salubungin ng yakap si Alihilani.
"Kamusta ang tulog mo? I'm sure pagod ka pa din dahil sa wedding," rinig kong tanong ni Mommy sa kanya.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko. I know how happy Mommy is dahil matagal na niyang pangarap na magkaroon ng anak na babae. Dalawang beses nakunan si Mommy bago ako dumating kaya naman nung maging successful ang pregnancy niya sa amin ng kapatid kong si Hunter ay masyado siyang naging strkto at protective sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin