Gun
Mas lalong humigpit ang yakap ni Hob sa aking bewang pagkatapos kong sabihin iyon. Ramdam ko ang pag-alog ng katawan niya dahil sa pag-iyak. Ilang beses kong narinig ang bulong niya kung gaano siya nagsisisi sa nangyari.
"Wala ka sa plano ko..." umpisa ko. Pigil na pigil pa ang aking emosyon dahil kung hindi ay pipiyok ako ano mang-oras.
"Wala sa plano ko ang lahat ng ito. Gusto ko lang ng tahimik na buhay para sa amin ni Nanay. Pero dumating ka...ulit, nakita kita ulit."
Napasinghap si Hob habang naka luhod pa din sa aking harapan at nakayakap sa aking bewang.
"Alam kong sa oras na tanggapin kita...kailangan kong tanggapin na hindi ko makukuha ang tahimik na buhay na gusto ko dahil magka-iba ang mundong ginagalawan natin," dugtong ko pa.
"Natakot ako. Takot akong tanggapin ka noon...Hob," pag-amin ko sa kanya.
Hindi ko na din mapigilan ang pag-apaw ng aking emosyon. Bumalik ang lahat sa akin, lahat ng sakit, takot, pag-aalinlangan....at ang pagmamahal ko sa kanya.
"Takot ako pero tinanggap kita kasi mahal kita."
Humigpit lalo ang yakap niya sa akin at napa-singhap pa. "Damn, baby...please," paki-usap pa niya.
Pero hindi ako tumigil, hindi ko na kayang tumigil. Kailangan kong ipaintindi kay Hob kung saan nanggagaling ang nararamdaman ko, kung bakit hindi ko kayang patawrin siya kaagad.
"Ramdam ko na iba ang tingin sa akin ng ibang tao sa tuwing magkasama tayo. Naiintindihan ko kung iisipin nila na baka pera mo lang ang habol ko...hindi ko pinansin 'yon kasi hindi naman totoo. Pero nung ikaw yung nagparamdam sa akin na..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagpiyok.
"Hindi ko sinasadya, hindi ganoon ang tingin ko sa'yo," laban niya sa akin.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang makita ko ang itsura ni Hob nang tingalain niya ako. Pulang pula ang kanyang mata at mukha dahil sa pag-iyak. Kita ko naman ang sinseridad na nagsisisi talaga siya.
"Nung ikaw yung nagparamdam sa akin na para bang kayang kaya mo akong bilhin ng pera mo...nasaktan ako, Hob."
"I'm sorry, I'm so sorry, Miss."
"Hindi ko sinabi sa'yo ang mga problema ko kasi ayokong madamay ka. Alam kong mali ako sa parteng naglihim ako sayo...ayoko lang na madamay ka," sabi ko pa habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Kahit ramdam ko ang panghihina niya ay kaagad siyang tumayo para pantayan ako at yakapin ng mahigpit. Halos isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Mahal kita, Alihilani...Mahal na mahal kita," puno ng emosyon na sabi niya sa akin.
Mariin akong napapikit. Mahal ko din naman si Hob, hindi naman kailanman nawala iyon. Pero hangga't hindi pa ako naghihilom sa sugat ng nakaraan...paulit ulit lang naming proproblemahin ito. Paulit-ulit lang naming pag-aawayan.
Umayos ako nang tayo para iharap siya sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa itsura ni Hob ngayon. Hindi ko din naman gusto na ganito siya, kahit naman galit ako sa kanya ay nag-aalala pa din ako para sa kanya.
Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya. Itinaas ko ang kanang kamay ko para abutin ang pisngi niyang basa ngayon dahil sa luha.
"Kahit hindi tayo maayos ngayon...gusto kong malaman mo na masaya ako dahil ikaw ang ama ng baby ko. Hindi ko kailanman 'yon pagsisisihan," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong nalukot ang mukha ni Hob dahil sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin