Chapter 5

46K 1.9K 1.2K
                                    

Tricks





Nanatiling nakayuko si Alice, dahil sa katahimikan ay nagising ako sa katotohanang sumusobra na ako. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay niyang hinawakan ko para itaas at makita ng maayos ang hawak niya.

"I'm..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Vera.

"Anong nangyayari dito?" tanong niya sa amin.

Bigla akong kinabahan with no reason, I just don't want her to think na may something. I don't know, ayoko lang na may maisip siyang iba.

Hindi pa siya nakuntento, nilapitan pa talaga niya kami ni Alice kaya naman bahagya akong lumayo dito.

"I thought, uuwi ka na?" tanong niya sa kaibigan.

Tumango si Alice at sandaling sumulyap sa kaibigan. "Pauwi na nga sana" sagot pa niya dito.

Hindi ko maiwasang punahin ang ayos ni Vera ngayon. She is now wearing a long white night gown, nakataas din ang kanyang buhok at medyo makintab ang mukha dahil sa kung anong inilagay. She's so beautiful, without effort.

"Hindi ko na ito dadalhin" walang kaemoemosyong sabi ni Alice dito sabay about kay Vera ng bulaklak at ang paper bag na may lamang chocolates.

"Why? Ibinigay ko iyan sayo" sabi ni Vera, tiningnan siya ni Alice pagkatapos ay pinagtaasan ng kilay dahilan para lingonin ako ni Vera.

Humalukipkip ito sa aking harapan, akala ko ay magagalit siya sa akin o ano. Bigla na lang siyang ngumiti.

"I really appreciate yung gifts mo for me, Hobbes. It's just that, I don't eat sweets kaya I share it with Alice" paguumpisa niya.

Habang nagpapaliwanag siya ay unti unti din humuhupa yung inis na nararamdaman ko kanina. Maybe, hindi naman talaga ako galit kay Alice, hindi din ako galit kay Vera. My ego is just hurt, maybe because I feel na hindi na aappreciate yung efforts ko. Sanay kasi siguro ako na without effort ay nakukuha ko yung babaeng gusto ko.

Your ego is just hurt, Hobbes. Wag mong idamay ang iba.

"And she has a lot of friends na bata, she will share it with them. Isn't it good to share your blessings with other people? Lalo na sa children" sabi pa niya sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumango.

"Kesa masayang ang chocolates na ibinigay mo sa akin, I don't eat sweets, masasayang lang...Why not share it, right?" paguulit na paintindi niya sa akin.

Pumungay ang mga mata ko while looking at her. Mas lalo ko siyang nagugustuhan dahil sa mga sinasabi niya. The way she thinks, the way she cared for other people. Kung paano niya itrato ang kaibigan. Mas lalo akong nahuhulog.

Matapos niyang sabihin iyon ay muli niyang nilongon ang tahimik na si Alice, nakahalukipkip na ito ngayon. Nagsusungit nanaman.

"And about the flowers. Her mother is sick, you said na you bought it for me to brighten my day, why not share it with her Mom? And nagiwan naman ako ng ilang piraso sa room ko para may remembrance pa din kasi bigay mo" sabi pa niya sa akin.

Ninanamnam ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ito na ata ang pinakamahabang paguusap na mayroon kami. Nitong mga nakaraang araw ay kuntento na akong nakikita siya o tinatanggap ang mga tipid na sagot niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at napakamot sa aking batok. "I'm sorry" sambit ko.

"Wag sa akin, sa friend ko. Bakit anong bang sinabi mo?" panguusisa niya kaya naman muli akong napaayos ng tayo.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon