Chapter 32

45.7K 2.1K 1.4K
                                    

Tulong



Hindi ako naka-sagot kay Ahtisia, para akong pinutulan ng dila dahil doon. Totoo namang sa kanya ko nalaman ang tungkol sa Vanilla Lace noon. Hindi ko lang inakala na kagaya ko ay iyon pa din pala ang paborito niya.

"It's your favorite too?" tanong ni Hob sa kanya kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Diretso ang tingin niya sa aking kapatid na para bang interisado siya sa isasagot nito sa kanya.

"Yes, bakit?" nakangising tanong ni Ahtisia sa kanya.

Pinanuod kong mabuti ang reaksyon ni Hob dahil sa sagot na iyon. Kita ko ang titig niya sa kapatid ko na para bang may pilit siyang inaalala. Bayolenteng nagtaas baba ang adams apple niya bago siya mariing pumikit at marahang umiling.

"May problema ba, Engr. Jimenez?" tanong pa ulit ni Ahtisia sa kanya kaya naman mas lalong humigpit ang hawak ko sa paper bag na ibinigay niya sa akin.

"N-nothing..." sagot ni Hob.

Mula kay Hob ay lumipat ang tingin ni Ahtisia sa akin, nag-taas ng kilay at mas lalong ngumisi. Gustong gusto ko siyang irapan pero hindi ko magawa dahil sa panghihina. Hindi ko maintindihan pero hindi talaga ako kumportable na malapit siya sa amin.

"Uhm...I need to go, Enjoy your...uhm lunch," nakangiting sabi niya sa aming dalawa bago siya lumapit sa akin at nakipagbeso.

Parang biglang nanlamig ang sikmura ko dahil sa paglapit niya sa akin. Wala namang masama sa ginagawa ni Ahtisia pero may iba akong pakiramdam sa kanyang presencya.

Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan hanggang sa makalapit siya sa pintuan. Bago pa man niya mabuksan iyon ay muli niya kaming hinarap ni Hob.

"Maaga ang alis natin sa makalawa for Manila?" tanong niya dito kaya naman nagulat ako.

Narinig ko ang pagtikhim ni Hob at napabuntong hininga pa bago niya sinagot si Ahtisia. Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay parang hindi kailangan ang presencya ko dito. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito.

"Yes, Tito Luke need us there early for the board meeting," seryosong sagot ni Hob sa kanya.

Mula sa sahig ay lumipat ang tingin ko sa pintuan kung saan lumabas ang aking kapatid. Natahimik kami sandali ni Hob bago ko narinig ang muli niyang pagtikhim kaya naman lumipat ang tingin ko sa kanya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na para bang may malalim na iniisip. Parang hindi pa niya narinig ang una kong pag-tanong sa kanya kaya naman lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"Hob..." tawag ko.

Dahil sa aking ginawa ay tsaka lang siya bumalik sa wisyo. Nagtaas siya ng kilay sa akin na para bang ako na tinatanong niya ngayon kung anong meron.

"Ang tahimik mo. May problema ba?" inulit ko kahit ang totoo ay gustong ko na lang munang umalis doon. Kung kailangan niyang mapag-isa...pwede naman akong umalis muna.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang bago siya marahang umiling sa akin.

"Walang problema..." marahang sabi niya bago niya ako hinila at hinalikan sa ulo.

"Walang problema...Miss," pag-uulit niya na para bang gusto niyang siguraduhin iyon hindi lang sa akin kundi para na din sa kanya.

"Pwede naman akong umalis kung gusto mo munang mapag-isa..." sabi ko.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon