(A/n) Last Sunday update for now. Every Friday na ulit ang updates. Keep safe everyone! Love lots, Maria.
----------------------
Second
Bago pa man ako tuluyang mawala sa aking sarili ay mabilis kong tinapik ang braso kung saan siya may pilay.
"Tigilan mo nga ako," suway ko sa kanya.
Napadaing si Hob dahil sa aking ginawa at napahawak don. Bigla akong nakunsensya dahil sa ginawa ko nang makita ko ang sakit sa kanyang pagmumukha.
"Asaan na nga pala ang arm sling mo?" tanong ko sa kanya.
Parang nitong mga nakaraang araw lang ay paligi ko siyang nakikitang may suot na ganuon lalo na pag nasa site.
Mula sa kanyang dibdib ay kaagad akong nag-angat ng tingin ng marinig ko ang mahina niyang pag-ngisi.
"Sinusuot ko lang iyon pag nasa trabaho. At para ipakita kay Tito Luke. Para malaki ang makuha kong accident fee," nakangising sabi niya kaya naman nalaglag ang panga ko.
Imbes na makitawa sa kanya ay mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Hindi mo dapat ginagawang biro iyon," suway ko sa kanya.
Dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi at umayos ng tayo.
"Pero masakit naman talaga..." sabi pa niya kaya naman inirapan ko siya.
"Ayoko nang may nanggugulo pag may ginagawa ako," sabi ko sa kanya kaya naman bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi bago niya itinaas ang magkabila niyang kamay na para bang sumusuko siya.
"Ok po, Miss. I'll behave," sabi niya bago siya tumalikod at muling bumalik sa may kitchen counter.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at tumingin pa sa orasan para ma-set ko ng maayos ang oras. Hindi naman kasi ito katulad ng pagluluto ng mga ulam na pwede mong gawin kaagad. Sa paggawa ng tinapay ay maraming kailangang I-consider lalo na ang oras at ang mga tamang measurements.
Nag-angat ako ng tingin nang mapansin kong natahimik si Hob, abala na siya ngayon sa hawak na phone.
"Ano kayang gusto kong kainin?" tanong niya sa kawalan habang may pinipindot duon, namimili ata.
"Ano kayang gusto ni Manong guard?" rinig kong tanong pa niya.
Kahit may pagka-siraulo din ang isang ito ay ramdam kong may paghahalaga din siya sa mga tao sa kanyang paligid. Mas lalong ipinamukha sa akin na hindi lahat ng mayayamang kagaya nila ay mapagmata sa kapwa.
"Ikaw, anong gusto mo?" tanong niya sa akin bago mag-angat ng tingin.
"Kahit ano naman kinakain ko," sabi ko sa kanya.
Humaba sandali ang nguso niya bago bumalik ang tingin niya sa kanyang phone.
"Mas importante kung ano ang gusto mo," sabi pa niya na hindi ko na lang pinansin.
Hinayaan ko si Hob na mamorblema sa pagpili ng dinner. Hindi ko na tinanggihan pa ito dahil alam kong medyo matatagalan pa talaga ang pananatili ko dito. Hindi din naman maganda na maging ang pagkain ay pag-awayan pa namin.
Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya ng makirinig ko ang mga pag-ngisi niya na para bang may kausap siya sa chat o ano. Masyado siyang masaya doon kaya naman natahimik na lang ako.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin