Pictures
Matamis kong nginitian si Hob nang maghiwalay ang aming mga labi. Sandali niya akong tinitigan bago siya humalik sa aking noo.
"Starting today, every time I will look at the moon...I will remember how you kissed me," sabi niya kaya naman napanguso ako.
"Puro bastos talaga yung naa-alala mo eh," laban ko sa kanya kaya naman napahalakhak siya.
"Anong bastos sa paghahalikan?" tanong niya sa akin kaya hindi ako nakasagot.
Mas lalong humigpit ang yakap ni Hob sa akin kaya naman ganoon din ang ginawa ko sa kanya.
"Ang baby..." nakangising sambit niya.
"Nino?" tanong ko.
"Mo..."
Imbes na sagutin siya ay inirapan ko pa kaya naman lalo siyang napangisi. Alam ata ng isang ito na mas lalo siyang guma-gwapo sa tuwing ngumi-ngisi at tumatawa siya kaya palagi niyang ginagawa sa akin.
Kumunot ang noo ko ng may makita sa kanyang likuran kaya naman mabilis akong humiwalay sa kanya.
"Kaninong manok kaya ang uulamin namin bukas?" tanong ko sa kawalan ng makitang may-sumira ng mga tanim kong halaman.
Naramdaman ko ang paglapit ni Hob sa akin. Nag-squat ako para ayusin ang natumbang halaman, nanatiling nakatayo si Hob sa aking gilid.
"Ikaw ang nag tanim ng mga ito..." tanong niya tukoy sa mga halaman at bulaklak sa loob ng aming bakuran.
"Kami ni Nanay..." sagot ko sa kanya.
Tumayo ako at mabilis na nagpagpag ng kamay ng maayos ko na iyon. Ramdam ko ang pananatili ng tingin ni Hob sa aking bawat galaw.
"Mukhang adobong manok ng kapit bahay ang ulam namin bukas," biro ko sa kanya kaya naman ngumisi siya.
Marahang siyang umiling habang naka-ngisi. "Kaya akala nila aswang ka eh," sita niya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Mamaya nga lilipad na ako eh," sabi ko kaya naman napahawak nanaman siya sa tiyan niya bago natawa.
"Ilipad mo nga ako," biro niya din sa akin.
Humaba ang nguso ko. "Busog ka at mabigat...hindi ko kaya," sagot ko sa kanya.
"Damn, Alihilani..." natatawang sambit niya.
Natigilan lang kaming dalawa ng marinig ko ang tawag sa amin ni Nanay. Tinalikuran ko kaagad si Hob para puntahan ito.
"Nay..." tawag ko sa kanya.
May dala itong paper bag na may lamang mga tupperware para kay Hob. Pero hindi iyon ang kaagad kong napansin. Kita ko ang panghihina sa kanyang lakad kaya naman mabilis ko siyang nilapitan.
"May nararamdaman po ba kayo, Nay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Ramdam ko din ang mabilis a paglapit ni Hob sa amin. Kagaya ko ay hinawakan din niya si Nanay para suportahan ito.
Si Hob na ang nagdala kay Nanay paupo sa aming mahabang upuan. Mabilis ang kilos ko papunta sa may kusina para kumuha ng tubig at bumalik sa kanila na dala na ang mga gamot ni Nanay.
"Alihilani, Anak..." tawag niya sa akin ng makita niyang hindi nanaman ako mapakali.
Hindi ko pinansin ang tawag niyang iyon sa akin at mabilis na tumingin sa orasan. May kailangan na siyang inuming gamot sa oras na ito.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin