Payag
Pilit kong pinakalma ang aking sarili habang ramdam ko ang paglakad ni Hob at ang pag-akyat nito patungo sa kanyang office. Kahit kumalma na ay patuloy pa din ang pagtulo ng aking mga luha.
Walang kahirap hirap niyang nabuksan ang pinto ng kanyang office kahit pa buhat niya ako. Naramdaman ko kaagad ang lamig sa loob kaya naman mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya.
Hindi nagtagal ay marahan niya akong pinaupo sa kanyang sofa. Bawat galaw niya ay ramdam na ramdam ko ang pag-iingat.
"Miss..." tawag niya sa akin ng mapansin niyang kahit pa nailapag na niya ako ay nanatili lamang akong nakayuko.
Hindi ko pa kayang harapin siya ngayon. Kahit sino naman ay hindi ko kayang harapin sa tuwing umiiyak ako.
Lumuhod si Hob sa aking harapan. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking ulo na para bang inaayos niya ang nagulo kong buhok dahil sa pagkakasabunot ni Tita Atheena.
"Saan ang masakit?" marahang tanong niya sa akin.
Tipid akong umiling. Mas lalong tumulo ang mga luha ko dahil sa kanyang tanong sa akin. Tahimik lang si Hob habang hinihintay niya na kumalma ako, ilang beses ko ding narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan dahil sa mga utos niya.
Nang kaya ko na ay marahan kong pinunasan ang aking basang mukha at hinarap na siya. Kita ko ang pagaalala sa kanyng tingin sa akin kaya naman nag-iwas kaagad ako.
"Pasencya na sa gulo," sambit ko. Nakakahiya na sa pangalawang pagkakataon ay nangyari ito sa amin ni Tita Atheena.
"Hindi ikaw ang may kasalanan," sabi niya.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi para itago ang nagbabadya nanamang pagtulo ng aking mga luha.
"Gusto ko lang namang kausapin si Tatay," sambit ko.
"Tatay ko naman iyon," sumbong ko sa kanya at kaagad na pinahiran ang luhang kumawala sa aking mga mata.
Mas lalong lumapit si Hob sa akin at hinawakan ang aking kamay. Sandali akong nabato at napatingin doon, nang lingonin ko siya ay wala naman kaso sa kanya.
"I don't know what to say. But I will assure you na hindi na mangyayari pa ulit ito," Paninigurado niya sa akin.
"Hindi mo kilala si Tita Atheena," sabi ko sa kanya.
Hindi siya naka-imik hanggang sa maalala ko ang sinabi niya sa baba kanina.
"Bawiin mo yung sinabi mo kanina. Hindi mo ako girlfriend, Hob. Baka kung anong isipin nila at mas lalo lang lumaki ang gulo," sabi ko sa kanya pero nanatili ang kanyang pagiging seryoso.
"Hindi ko babawiin," pinal na sabi niya kaya naman napaawang ang labi ko.
"Hob..."
Umigting ang kanyang panga ng mas lalo niya akong hinarap. "Hayaan mong iyon ang isipin ng Tita Atheena mo. Dapat ay alam niyang wala siyang karapatan na saktan ka...dahil girlfriend kita," sabi niya sa akin.
"Hindi pa..." sambit ko bago pa tuluyang uminit ang magkabilang pisngi ko.
Kita ko ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi pero kaagad niyang pinigilan at pinanatili ang pagiging seryoso.
"Hindi pa...pero doon din naman iyon patungo," sabi niya sa akin na para bang siguradong sigurado na siyang sasagutin ko siya.
Gusto ko sana siyang irapan ngunit ng maisip ko kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa kanya ay hindi ko na lang ginawa.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin