Perfume
Nanatili ang matamis na ngiti ni Ahtisia habang nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Hob. Humigpit ang hawak ko sa lunchbox ng mapansin ko ang pagkabato ng aking katabi kaya naman dahan-dahan ko siyang nilingon at doon ko nakita na nakatingin siya kay Ahtisia na para bang may inaalala.
"You're always in Manila, right?" tanong ni Hob.
Lumaki ang ngiti ni Ahtisia at kaagad na tumango. "All my life," nakangising sagot niya dito kaya naman bumagsak ang tingin ko sa sahig.
Ngayon pa lang ay ramdam ko na naman na sobrang layo ni Hob sa akin at ang kapatid kong si Ahtisia...kayang kaya niyang abutin si Hob na walang kahirap hirap.
Tumikhim si Hob hanggang sa napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng maramdaman ko ang unti unting pagbaba ng kanyang kamay mula sa aking bewang.
"You know Thomas Dela vega's..."
"You mean The Vega's? I've been there a couple of times," Sagot kaagad ni Ahtisia sa kanya.
Hindi nakasagot si Hob kaya naman muling nagsalita ang aking kapatid. "Like...a hundred times, everynight," exaggarated na sagot pa niya kaya naman halos gusto kong umirap sa kawalan.
Kawawala naman pala ang atay ng isang ito kung araw araw siyang nasa bar at nakikipag-inom kasama ang mga kaibigan niya.
Napabuntong hininga ako bago ko muling nilingon si Hob.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Kung gusto nila ay pwede namang bumaba muna ako kila Mang Roger kung may kailangan pa silang pag-usapan na dalawa. Pakiramdam ko kasi ay masyado akong nakaka-abala dito.
"Wala, walang problema...Miss," sagot niya sa akin bago ko muling naramdaman ang pag-gapang ng kamay niya sa aking bewang.
Hinapit niya ako palapit sa kanya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.
"Nagugutom na ako," bulong niya sa akin kaya naman mas lalo akong napasapo sa aking noo.
"Kailan ba hindi?" tanong ko sa kanya kaya naman narinig ko nanaman ang paghalakhak ni Hob.
Inirapan ko siya bago bumalik ang tingin ko sa aking kapatid na tahimik na nakatingin sa amin.
Nagtaas siya ng kilay nang makita niyang pinapanood ko ang reaksyon niya.
"Aalis na ako. Masyado na akong nakaka-abala dito," nakangising sabi niya na para bang inaasar pa niya kami ni Hob.
"Hindi naman. Ofcourse you can spend more time with your sister," sabi ni Hob sa kanya.
Ngumiti si Ahtisia sa kanya bago lumipat ang tingin sa akin.
"You're right. Na-miss ko na nga din si Ate Alihilani dahil ngayon lang ako halos umuwi dito sa Sta. Maria..." sagot niya dito. Sa tano ng pananalita niya ay para bang nalulungkot talaga siya na ngayon lang kami nagkita ulit kahit na alam ko naman kung gaano niya ka-mahal ang Manila.
"Babalik ka na doon after ng project?" tanong ni Hob sa kanya.
Nagkibit balikat ang aking kapatid. "Maybe? But sa ngayon...I think, I'll stay here."
Tumalikod si Ahtisia sa amin para ayusin ang mga gamit niya. Dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalo kong nakita ang itim at mahaba niyang buhok. Tumunog ang suot na mamahaling sapatos ng humakbang siya. Sa suot niyang damit ay nakita din ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin