Chapter 14

43.1K 2K 1.3K
                                    

Hi loves! Some scenes regarding Atheena and Arnaldo Salvador will be tackled on No more Sunrise (Vera's story) since nasa past pa ang timeline niya. Alice and Vera story is somehow connected kaya medyo spoiler sila sa isa't isa. Love lots, Maria.
______________



Sapatos



"Alihilani..."

Dahil sa marahang pag-tawag sa akin ni Tatay ay unti-unti akong bumalik sa aking sarili. Ramdam ko ang bigat nang sandali kong alalahanin ang mga iyon. May mga pagkakataon na masarap balikan ang nakaraan, ngunit hindi lahat ng ito ay saya ang hatid sayo. May mga ala-ala na kahit paulit-ulit mong gustong balikan ay masasaktan ka lang.

Hindi pa man ako nakakadilat ng maayos ay para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Tatay sa aking ulo. Ramdam ko ang init ng kanyang palad, ang marahan ng paghaplos niya sa aking ulo ay mas lalong nagpapaiyak sa akin.

"Anak..." tawag niya sa akin kaya naman kaagad akong dumilat.

Kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata...halatang galing din sa pagiyak.

"Tahan na, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong umiiyak ka," marahang sabi niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko.

"Bumalik ka na, Tay. Bumalik ka na sa amin." Mas lalong bumuhos ang aking mga luha dahil sa pakiusap kong iyon sa kanya.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay marahan niya akong hinila palapit sa kanya para yakapin. Wala akong sinayang na sandali at kaagad na niyakap pabalik si Tatay. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Halos ayoko na siya bitawan.

"Para sa inyo ang lahat ng ito."

Lumuwag ang yakap ko sa kanya para matingala ko siya. "Hindi ko po maintindihan," naguguluhang tanong ko.

Itinaas niya ang isa niyang kamay at marahang pinawi ang luha sa aking pisngi.

"Walang gabing hindi ako tumingin sa buwan," emosyonal na sabi pa niya. Halos mabasag ang kanyang boses habang sinasabi iyon.

Matapos niyang sabihin iyon ay muli niya akong hinila palapit sa kanya at tsaka ko naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.

"Lumalalim na ang gabi, uwian mo na ang Nanay mo," sabi niya sa akin bago siya dahan dahang humiwalay sa akin.

"Tay..."

Nasa harapan na ang tingin niya ngayon habang pinapahiran ang bakas ng luha sa kanyang mga mata at pisngi.

"Si Nanay po..."

"Sa susunod...mag-uusap kami ng Nanay mo," seryosong sabi niya sa akin.

Nakaramdam ako ng saya dahil sa aking narinig, pero alam ko sa sarili kong hindi iyon sapat. Hindi lang naman ang hiling kong makapag-usap sila ni Nanay ang gusto kong mangyari. Gusto kong bumalik kami sa dati...gusto kong bumalik na siya sa amin.

Bigla siyang bumalik sa dati, malamig at ilap sa akin ng mapansin kong ilang beses siyang tumingin sa labas at sa buong palaigid na para bang may hinahanap siya. Nagawa ko ding sundan ang tingin niya sa kung saan dahilan para hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin siya kung anong problema.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka nakakapasok sa bahay."

Muli kong naramdaman ang bigat ng bawat hakbang ko habang palayo ako sa sasakyan ni Tatay. Ni kailanman ay hindi ko hinangad ang mga mararangyang bagay sa mundo kagaya ng magara niyang sasakyan.

Hindi namin gustong bumalik si Tatay sa amin dahil sa kung anong mayroon siya ngayon. Gusto lang naming bumalik sa dati...simple, kumpleto, at masaya.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon