The Wolf King and I
Chapter 3Xiao is a small empire from the grasslands. Ngunit kahit na maliit, nagsisimula na itong magkaroon ng malakas na militar nang dahil sa ambisyon na mayroon ang kasalukuyang nakaupo na Emperor na si Emperor Hong. At kung nasusunod ang kwento sa manhwa, ito ang naging dahilan para magkaroon ng power struggle sa pagitan nila ng malakas na pwersa ng Qin.
Ngunit kahit gaano pa man kalakas ang pwersa ng Xiao empire ay mananatili silang malayo sa lakas ng military power na mayroon ang emperor Zhang Wei.
Zhang Wei is a power monster. Xiao empire will be crushed with just a simple snap of his fingers.
At sa takot na mangyari iyon, walang ibang nagawa ang Emperor ng Xiao empire kundi ang ipamigay ang isa sa mga anak niyang babae bilang palatandaan ng pakikipagkaibigan at pakikipag-alyansa na gusto niyang ipakita sa Qin.
But Emperor Hong, the Xiao empire's monarch and the father of this Princess is a cheat.
Magbibigay na nga lang siya ng anak ay 'yong sakitin pa at 'yong least favorite niya!
Paano ko nalaman? Well, his daughter just died a few minutes ago pero wala man lang siyang awa at konsiderasyon na ipapamigay ako sa kalaban this instant!
"Listen to his majesty's orders!" ang sigaw ng matandang eunuch.
Nakalinya lahat ang mga Prinsesa ng kaharian na ito sa harapan ng Emperor. At hindi ko alam kung bakit pa kailangang gawin ito kung alam naman ng lahat ng taong nandito kung sino ang napiling tribute sa kalaban? Alam ko 'yon sa paraan palang ng pag-ngisi ng mga Prinsesang katabi ko. They just dodged a bullet while I've caught it with flying colors. Pero wala akong pakialam, hindi ko naman ito katawan eh.
"The eighth princess will be sent as a bride to the Emperor of Qin. This is to preserve the long years of friendship and alliance between the two empires!" The Eunuch announced this while holding a piece of scroll in his hand. "Princess Chin, take heed to his majesty's wishes."
Matapos siyang magsalita ay ibinigay na niya sa akin ang scroll. Well, may choice pa ba ako? Nandito na ako sa loob ng manhwa kaya go with the flow muna ako habang wala pa akong naiisip na paraan kung paano makakabalik sa mundo ko.
Tinanggap ko naman ang scroll at hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero parang magic ay alam ko na kung ano ang sasabihin ko.
"Yes, your majesty." Ang malumanay kong sagot. Bwisit na boses ito. Ito talaga ang boses ng mga babaing madaling i-bully.
Nasilip ko pa sa dulo ng aking mga mata ang hagikgik ng mga Prinsesang katabi ko.
Mga bruha!
"Princess Chin." The Emperor called me.
Mabilis naman akong naupo ng maayos.
As I've said earlier, Princess Chin is just a side character. Halos walang papel sa kwento. Walang ambag. At dahil doon kaya nabigla ako nang magkaroon bigla ng ganitong scene. Wala ang scene na ito sa kwento. Hindi naikwento at nai-describe ang lugar na pinanggalingan niya. Kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari dito. Mas mabuti ng mag-lie low muna kaysa sa gumawa ng eksena na hindi ko alam kung ano ang patutunguhan.
"You must prepare for your journey today." His old voice announced. "You will serve the Emperor Zhang Wei upon reaching his land. You must not do anything that will displease his royal highness and affect the peace treaty between our empires. Whether it's a long-lasting alliance or war, only your actions will decide our fate. "
Grabe. Ito ba ang tamang gawin mo sa anak mo na kakabuhay lang?! Ang ipadala siya sa lungga ng mga kalaban?! At bigyan siya ng ganito kabigat na responsibilidad?!
BINABASA MO ANG
The Wolf King and I
Historical Fiction[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] How does it feel to live inside your favorite manhwa as a side character? Reina Ramos is a second-year college student who struggles on her life as an orphan. Upang matustusan ang pag...