The Wolf King and I
Chapter 9Of course, Zhang Wei won't kill me.
That's too good to be true. Masyadong mababaw na kaparusahan ang pagpatay sa akin nang dahil sa pinatakas ko lang naman ang Prinsesa ng kalaban niyang empire.
"Ah...so, pwede bang pakainin mo muna ako bago mo ako patayin?" ang seryoso kong wika habang nakatitig ng diretso sa mga nagbabagang mga mata ng walang hiyang Emperor na ito. "Hindi pa ako nakakain ng dinner eh. Beke nemen..."
"You dare to defy the palace rules and help the infiltrators flee." Zhang Wei spoke while gritting his teeth with rage. "Death is too good for you. I will break your limbs, chop you up and feed you to my wolves. Do you understand?"
"Ah...so, kung ipapakain mo ako sa wolves, bakit ako nakatali dito ng patiwarik? First step ba ito sa torture o preliminaries palang? Kasi—-"
"Shut...your...mouth..." he hissed every word into my face with total disgust.
Patay.
Galit na galit nga siya.
At naitatanong ninyo siguro kung ano ang nangyayari dito. Pagdating ko galing sa 'field trip' ko kung tawagin ni Qingyuan, my love so sweet ay sa dungeon nga ako itinapon ng walang modong Emperor na ito.
Ilang minuto pa mula ng dumating ako ay itinali na ako ng mga kawal patiwarik habang may isang malaking batya na puno ng tubig sa ilalim ng ulo ko. And if my assumptions were right, ilulublob niya ang ulo ko sa tubig as a form of torture. Nagpapasalamat nalang ako na hindi pwedeng sirain ang katawan ng isang concubine. Dahil kung hindi, I'm sure nalatigo na ako.
Pero shit, hindi ko alam kung maiiyak o matutuwa ako sa kadahilanan na hindi nalang niya ako pinatay kaagad.
Of course, he will torture me first! That's his specialty! You can't mention the tyrant Emperor Zhang Wei without "Torture" trailing his name. His whole existence reeks of the blood of all the people he killed in this way!
"Start." His word is simple and yet so terrifying.
At naramdaman ko na nga ang pagbaba ko patungo sa batya na puno ng tubig. Huminga muna ako ng malalim para makasagap ng oxygen bago lumublob ng diretso ang ulo ko.
Ilang minuto din akong nasa ganoong posisyon at sa tuwing hihimatayin na ako ay iaakyat naman nila ang lubid para maipataas ang ulo ko.
Ilang ulit niyang ginawa iyon habang nakatayo lang siya sa harapan ko. At ito pa! Naka-krus pa ang mga braso niya habang walang awa na pinapanood ang pagpapahirap niya sa akin!
This Emperor is sick!
I know that he's enjoying this!
Ipinataas niya ulit ang ulo ko at doon naman ay nagtama ang tingin naming dalawa. And wait, did he just smirk?!
Pero bago pa man ako maka-react ay sinenyasan niya ulit ang mga kawal na ilublob ulit ang ulo ko.
This jerk!
May oras ka din sa akin!
Ipinataas niya ulit ang lubid dahilan para makaahon ulit ang ulo ko mula sa batya. Napaubo naman ako nang dahil sa tubig na nakapasok sa ilong ko. Shit! Ang sakit nito sa ulo!
Nagtaas ako ng tingin at nakita kong yumuko siya sa harapan ko dahilan para makapagtitigan kami.
Those soulless silver eyes are so terrifying.
Pero buong tapang ko parin siyang sinalubong ng sama ng tingin.
May araw ka din sa akin, Zhang Wei! Makakapaghiganti din ako! Pagbabayaran mo ang pag-torture mo sa akin!
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi niya.
"How amusing." He said it with that emotionless voice while his cold eyes continued to stare into my face. "Until now, it still amuses me how you can look straight into my eyes without any sign of fear. Do you really want to die that badly?"
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang guts na meron ako pero bigla ko siyang dinuraan sa mukha. Narinig ko pa ang pagsinghap ng lahat ng taong nandoon nang dahil sa ginawa ko.
Oo nga naman.
The greatest and most fearful Emperor of all time just got spat on his face by one of his lowest concubines.
Alam kong pagsisisihan ko 'to pero mas mabuti ng mamatay kaysa sa paglaruan ng gagong ito!
"Sige! Patayin mo na ako!" ang pagwawala ko habang nakagapos parin ako ng patiwarik. "Akala mo ay natatakot ako sa'yo?! Diyan ka naman magaling diba?! Gago! Hindi mo pa naitatanong pero black belter ako sa taekwondo! Patumbahin kita diyan eh!"
Pinunasan niya lang ang laway ko na nasa mukha niya at nang makita ko iyon ay tinawanan ko siya ng malakas.
Inilabas ko pa ang dila ko at parang batang inaway siya.
"Bleh, bleh, bleh! Sino ang may laway ngayon sa mukha? Akala mo takot ako sa'yo?! Joke ka ba—-"
Pero hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinenyasan na niya ang mga kawal na ilublub ako ulit sa tubig.
At nasa ganoon akong posisyon nang marinig ko ang biglang pagbukas ng malaking pintuan na nasa harapan namin. Sumunod doon ang pamilyar na matinis at mapagmataas na boses ng Empress.
"What is this madness?!" I heard her scream. "Free her down!"
Naaninag ko na sinenyasan ng Emperor ang kawal na itaas ulit ang ulo ko. Shit, feeling ko ay konti nalang ay hihimatayin na ako.
At nang makita ako ng Empress ay nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
Naiiyak ako.
Hindi ko akalain na may pag-aalala din pala sa puso ng kontrabida ng manhwa na ito.
"Your Majesty," she said calmly as she turned to face the Emperor."She is part of the imperial harem, which means she's under my rule. Any punishment must be decided by me and not by you. "
Wait, did she just contradict her beloved Emperor?
Napatingin ako sa Emperor at nakita ko na walang ka-emo-emosyon siyang lumingon sa Empress. Wala talagang pakiramdam ang bruhong ito!
"Free her and I promise that this kind of thing will not happen again." Empress Louyang continued to persuade him.
Nilingon naman ako ng Emperor samantalang pinamulatan ko naman siya ng mga mata.
Hah! Gago, hindi na ako takot sa'yo!
Eh?
Pero bakit ganun?
Bakit pakiramdam ko ay nandidilim na ang paningin ko?
And before I could realize what was happening, I only saw the horror in the Empress's face before I finally surrendered into the great darkness.
I finally fainted.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Wolf King and I
Historical Fiction[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] How does it feel to live inside your favorite manhwa as a side character? Reina Ramos is a second-year college student who struggles on her life as an orphan. Upang matustusan ang pag...