The Wolf King and I
Chapter 2Nagising ako nang dahil sa init ng araw na tumatama sa aking mukha.
Hay, salamat. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Mabuti nalang at nagising pa ako. Lintik na tinik ng bangus iyan. At bwisit ha, nag-rhyme pa.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang tumambad sa akin ay isang puting tela na nakatakip sa aking mukha.
Huh? Bakit may puting tela na nakabalot sa akin?
Tinanggal ko 'yon sa aking mukha at mabilis na naupo. Ngayon ko lang din napansin. Kailan pa ako nagkaroon ng sobrang lambot na higaan? May foam naman ang kama ko pero hindi ganito kalambot.
Teka lang, bakit parang may kakaiba dito?
Nagtaas ako ng tingin at ang sumalubong sa paningin ko ay ang malawak at napakarangyang kwartong iyon sa paligid ko.
Ha? Nasaan ako? Hindi ito ang apartment ko ah.
Naikot ko ang paningin ko at nagtatakang napatingin sa mga kakaibang bagay na nasa paligid ko. Bakit gan'on? Bakit para akong nasa isang kwarto na mayroon sa ancient China? Iyon bang mga kwarto na napapanood ko sa Chinese historical drama at mga manhwa?
Gawa sa kahoy ang kwarto ngunit halata ang karangyaan doon. May mga pink cherry blossoms flowers pa nakalagay sa mukhang mamahalin na vases.
Teka, nananaginip ba ako? Nasobrahan na ata ako ng kakapanood ng mga Chinese historical drama at kung anu-ano na ang napapanaginipan ko.
Napatingin ako sa sarili ko at doon ay mas lalo akong nagtaka. Bakit nakasuot ako ng ganitong klaseng damit? Gawa ito sa isang mukhang high quality pink silk at katulad din ng mga isinusuot ng mga babae sa chinese drama.
At ang mga braso ko...
Kailan pa ako nagkaroon ng ganito kakinis at kaputing balat?
Kinurot ko ang sarili ko pero shit, gising nga ako at totoo itong mga nakikita ko.
Teka, prank ba 'to? Kasali ba ito sa mga hindi nakakatawang prank ni Aya?
Tumayo ako mula sa malambot na kama at inaantok pa na naglakad palapit sa bintana na mayroon ang kwartong iyon.
Pero hindi pa man ako nakakalapit ay bigla nalang akong natigil sa paglalakad. Atsaka ako unti-unting napalingon sa malaking salamin na mayroon ang kwartong iyon.
At nang makita ko ang repleksyon ko ay bigla nalang akong napatili ng sobrang lakas.
Hindi.
Hindi ako 'to.
Hindi ako ang babaing nasa salamin!
Sino ang babaing iyan?! Bakit ako nandito sa katawan niya?! Magkahawig kami pero alam
kong hindi ako siya!Matapos ang malakas na pagtili ko ay narinig ko na ang huni ng padyak ng mga paa na mabilis na tumakbo patungo sa kwarto. At sa paglingon ko ay nakita ko ang pag-slide ng mga sliding doors. Mula doon ay lumitaw ang isang hukbo ng mga kababaihan na pare-pareho ang kasuotan.
Hindi pa man ako nakakagalaw ay bigla nalang silang lumuhod lahat at nagsimulang mag-iyakan.
Mabilis pang naglakad patungo sa akin ang isang babae at sinimulang halik halikan ang mga paa ko habang umiiyak siya ng malakas.
Samantalang napaatras naman ako at hindi parin makapaniwalang napatingin sa kanilang lahat.
Teka lang, anong nangyayari dito?!
BINABASA MO ANG
The Wolf King and I
Historical Fiction[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] How does it feel to live inside your favorite manhwa as a side character? Reina Ramos is a second-year college student who struggles on her life as an orphan. Upang matustusan ang pag...