Chapter 21

10.7K 604 96
                                    

The Wolf King and I
Chapter 21

It will take fourteen hours before we can arrive at the borders of Qin.

Kaya naman ngayong gabi ay napagpasyahan na ni Zhang Wei na magpahinga muna kami sa kagubatan na ito at ipagpatuloy nalang ang paglalakbay kinabukasan.

The soldiers built tents and some prepared dinner for tonight. Malamig ang gabi pero ayaw ko namang mag-isa sa tent na ginawa nila para sa akin. Napagpasyahan ko nalang na maupo sa labas habang nakaharap sa bonfire na ginawa ni Zhang Wei.

The night is cold and I can hear the loud crickets from the forest. The happy laughter from the soldiers while drinking tea added to the sound of the night.

Zhang Wei's army is a bunch of happy soldiers. Malayong-malayo sa laging nakasimangot at parating galit sa mundo na amo nila.

Napalingon ako sa direksyon ni Zhang Wei at nakita kong mahimbig siyang natutulog habang nakaupo malapit sa akin. Yakap-yakap niya pa ang malaking espada na dala niya habang nakapatong dito ng bahagya ang ulo niya.

Wow, ngayon lang ako nakakita ng taong kayang matulog ng nakaupo. Amazing.

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha at hindi ko maiwasang mamangha.

Tignan mo nga naman. Mukha siyang isang anghel kapag natutulog. Demonyo naman kapag nagising. Hays.

Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya nang may biglang lumitaw na baso sa harapan ng mukha ko.

At sa pagtaas ko ng tingin ay ang nakangiting mukha ni Qingyuan ang nakita ko.

"You need this to keep you warm," he offered. "It's tea from Han."

Qingyuan looks like a friendly person. Hindi lang naging maayos ang unang pagkikita namin ng dahil sa gulo namin ng amo niya.

Mabilis ko namang tinanggap ang baso na ibinigay niya sa akin. Hinawakan ko ito gamit ang dalawang kamay ko para mainitan ang mga ito.

Nagtaas ako ng mukha at binigyan siya ng isang ngiti.

"Thanks," I said.

He only smiled back and then sat down beside me.

"You're welcome." He answered.

Nakita kong humigop siya sa baso na hawak niya bago napalingon sa direksyon ng natutulog na Emperor.

Pero nagulat ako sa sumunod na sinabi niya.

"He hasn't slept a wink last night from worrying too much about you," he said, then drank again from his cup. "His majesty has overworked himself this time. So you have to be grateful for his generosity and never disobey him again. Because if you do... "

He said, then smiled even sweeter.

"I'll just secretly kill you and throw your body into the Qin River where no one can ever find you."

Here he is again.

Smiling while threatening to kill me.

Hindi ko tuloy alam kung may saltik din sa utak ang lalaking ito at ganito siya makipag-usap sa ibang tao. I know that Qingyuan is kind from the manhwa. He is a very likeable character kaya nga grabe ang second lead syndrome na naramdaman ko nang mas piliin ni Jia ang Emperor.

But maybe he is only kind to the girl he likes. Too bad for me that I've left a bad impression on him since the day we first met.

Now I think that he secretly hates me. Or if you can even call this blatant threats a secret.

The Wolf King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon