Chapter 10

11.2K 492 42
                                    

The Wolf King and I
Chapter 10

"Mama..." umiiyak na wika ko habang mag-isang naglalakad sa gitna ng madilim na kagubatan. "Mama...natatakot ako..."

I was seven years old back then. Namasyal kami ng ina ko sa katabing kaharian para bisitahin ang kapatid niya. Ngunit habang naglalaro ako kanina sa hardin ng kanilang tirahan ay bigla kong nabitawan ang bolang hawak ko. Nagpagulong-gulong ito sa direksyon ng kagubatan kaya hinabol ko ito.

At bago ko pa man ito mahanap ay napagtanto ko na tuluyan na akong naligaw. Hindi na ako makabalik sa bungad ng kagubatan na pinagmulan ko.

"Mama..."umiiyak lang akong mag-isa habang takot na takot na napapalinga sa paligid. "Mama...tulungan mo ako..."

Mag-isa kong tinahak ang madilim na kagubatan hanggang sa naabot ko ang isang madilim na kweba. Ramdam ko din ang sobrang lamig dala ng walang tigil na pagbuhos ng nyebe sa paligid.

Pumasok ako doon sa pag-asang kaya nitong labanan ang lamig ng gabi. Isang simpleng coat lang ang suot ng maliit na katawan ko sa gitna ng winter. Naupo ako sa loob ng kweba at hinipan ng mainit na hininga ko ang mga kamay ko sa pag-asang uminit ang mga ito.

Nasa ganoon akong posisyon nang bigla akong makarinig ng isang kaluskos. Mabilis naman akong napalingon sa pinagmulan nito.

At mula sa dulo ng kweba ay nakita ko ang anino ng isang batang lalaking iyon habang sa tabi niya ang isang mabangis na itim na wolf.

Teka, sino ba siya?

At bakit may kasama siyang wolf?

Napansin ko na nakasuot lang siya ng isang simpleng brown na tela sa pang ibaba niya habang wala siyang suot na pang-itaas. Madungis ang buong katawan niya at magulo pa ang mahaba niyang buhok.

Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang kakaibang kulay ng mga mata niya.

That was the very first time I saw silver eyes in my whole entire life.

It left me in awe and shock.

How could someone be so beautiful with those terrifying eyes?

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot.

Nakita ko nalang ang isa-isang paglitaw ng mga mababangis na wolf sa tabi niya at sa paligid. This is a pack of ferrocious wolves and I think this boy is their alpha.

And I don't know how. But instead of fear, I felt warm and safe under those innocent silver eyes.

Bigla akong naalimpungatang napaupo mula sa isang mahimbing na pagkakatulog.

Huh?

Ano yun?

Ano yung panaginip na iyon?

Bakit napanaginipan ko ang araw na unang nagkita sina Jia at Zhang Wei sa kagubatan noong mga bata palang sila? Bakit bigla ko nalang naalala ang eksena na iyon?

At bakit pakiramdam ko ay parang totoong nangyari ang lahat?

It felt so real and I can't understand why.

Pero bago ko pa man maipagtagpi ang lahat ng mga napanaginipan ko ay bigla ko nalang narinig ang isang boses.

"Your highness!"

Napalingon naman ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko si Mei na mabilis na tumakbo palapit sa akin. Ngayon ko lang din napansin na nasa loob na ako ng kwarto ko.

The Wolf King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon