Chapter 7

11.2K 552 155
                                    

The Wolf King and I
Chapter 7

"Mahal na prinsesa, umuwi na po tayo. Baka mahuli pa tayo ng mga kawal." ang naiiyak na pagpupumilit ni Mei sa akin na umuwi.

"Ssh..." saway ko naman sa kanya. "Kailangan muna natin hanapin ang sorcerer na sinasabi ng kaibigan mo."

Kasalukuyan kaming naglalakad sa magulo na central market ng Qin habang parehong nakatakip ng ulo gamit ang mga cloak namin. Ginawa namin ito para hindi kami makilala ng mga kawal na nakakalat sa paligid. Nakuha ko din ang ideya sa mga historical dramas na napanood ko. Hays, ang galing ko talaga!

Matapos kong utusan si Mei na maghanap ng sorcerer ay nag-usap sila na magkikita kami sa isang restaurant na mayroon dito.

May pera na ibinigay as a reward ang Empress kaya may pambayad din ako. May mabuti din palang naidulot ang pagiging 'sworn sister' namin ng kontrabida.

"Sigurado ka ba na dito tayo magkikita ng sorcerer na nahanap mo?" tanong ko kay Mei.

Nang makarating kami sa restaurant ay naupo kami sa dulo para walang makakita sa amin na kawal ng palasyo.

"Oo, mahal na Prinsesa." ang kinakabahan parin na wika ni Mei. "Pero kailangan din natin bumalik kaagad dahil baka mahuli tayo. Mahal na Prinsesa, isang malaking kaparusahan ang maibibigay sa inyo sa oras na nalaman nila na lumabas kayo ng palasyo."

"Huwag kang mag-alala. May itatanong lang ako. Promise, mabilis lang ito."

Naiiyak naman siyang napatango nalang sa akin.

Napalibot ko ang aking paningin at nakita na kaparehong-kapareho nito ang mga restaurant na napapanood ko sa mga historical dramas. Woah, ngayon ko na-appreciate ang mga directors ng mga dramas na iyon.

Maingay ang paligid dala narin ng mga nag-iinuman na mga tao.

Hays, nasaan na ba ang sorcerer na iyon? Ba't ang tagal naman ata?

Nakaupo lang ako doon habang nakatingin sa paligid nang bigla nalang may nakakuha ng atensyon ko.

A group of five people has entered the restaurant. Masyado silang mysterious tignan dahil pare-pareho silang nakasuot ng cloak. Pero ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko ay ang nangunguna sa kanila na nakasuot ng white cloak.

Naupo sila sa katabi naming table at umorder ng makakain.

Samantalang dahil chismosa ako ay nanatili lang akong nakatitig sa kanilang lima.

Pero pakiramdam ko ay natigil ang buong mundo ko nang ibaba na ng taong nakasuot ng white cloak ang hood sa ulo niya at tuluyang tumambad sa akin ang maganda niyang mukha.

Shit.

She is princess Jia! The female protagonist of the story!

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa napaka ganda niyang mukha.
The author of the manhwa wrote that her beauty would make even the strongest empire bow down to their knees, and he's not exaggerating when he said that.

Princess Jia is so beautiful that my eyes won't take off from her.

Shit. Ang favorite character ko sa manhwa ay nakaupo ng isang dipa lang mula sa kinauupuan ko. Grabe na ito!

Pero teka lang, bakit siya nandito? Bakit masyadong napaaga ang pagdating niya sa Qin? Sa pagkakaalam ko ay darating lang siya sa Qin sa oras na ginawa siyang tribute ng Xing empire.

Yes, Princess Jia is the seventh daughter of the Emperor of Xing. And, like me, she was made a tribute to Qin's Emperor.

Pero teka, bakit feeling ko ay may nakakalimutan ako sa kwento?

The Wolf King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon