Chapter 30

8.4K 426 101
                                    

The Wolf King and I
Chapter 30

Pakiramdam ko ay may isang importanteng bagay akong nakakalimutan tungkol sa manhwa.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at ang unang sumalubong sa aking paningin ay ang ilaw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

At kung ano man iyon, alam ko na tuluyan nitong mababago ang takbo ng kwento sa oras na naalala ko ito.

Pero bakit ganun?

Bakit parang may mabigat na bagay na nakadantay sa akin?

What am I forgetting?

Nagtaas ako ng mukha. At napanganga nalang ako nang makita ang gwapong mukha ni Zhang Wei na halos isang inch nalang ang layo mula sa mukha ko.

Why am I forgetting something so important?

Nakita kong mahimbing siyang natutulog habang nakayakap ng mahigpit sa akin.

Sa sobrang gulat ko ay napatili nalang ako ng sobrang lakas atsaka ko siya pinagsisipa paalis ng kama ko. Nahulog naman siya sa sahig habang taranta akong nagtakip ng kumot.

"Hoy!" tili ko atsaka ko siya dinuro. "Anong ginagawa mo dito?!"

Napaupo naman siya sa sahig at mukhang nahimasmasan na napahawak sa balakang.

Atsaka siya nagtaas ng mukha pero nang makita niya ako ay nasaksihan ko nalang ang pagkabigla sa mga mata niya.

Napatingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Bakit siya ganun makatingin sa akin? Atsaka bakit siya dito natutulog sa loob ng kwarto ko?

Wait, what did I missed?

"Oh? Anong titingin-tingin mo diyan ha?!" masungit parin na tanong ko sa kanya. "Wala ka na bang sariling kwarto?! Ang laki ng palasyo mo ha tapos dito ka pa makikitulog?!"

Nanatili parin siyang nakatitig sa akin mula sa kinauupuan na sahig habang hindi parin natatanggal ang pagkabigla sa mukha niya.

Samantalang napakurap naman ako.

Why is he looking at me like that?

But then slowly, I saw how that simple smile curved up into his lips, and then his silver eyes suddenly gazed at me with happiness.

"Welcome back, wife." The first words he spoke with his unusual gentle voice. "Thank you for coming back to me."

Huh?

Nakita kong punong-puno ng relief ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

Ngayon ko lang din napansin na parang tumanda ang mukha niya. Halata na kulang siya ng tulog at mukhang pagod na pagod siya. Anong nangyari?

Pero nasagot lang ang katanungan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at ang OA na si Mei ang biglang pumasok.

"Your highness!" sigaw niya atsaka siya biglang tumakbo at niyakap ako ng sobrang higpit.

Narinig ko nalang ang biglang paghikbi niya sa balikat ko.

"I thought you would never open your eyes again!" she cried her heart out. "What would I do without you, your highness?"

"Anong meron?" takang tanong ko.

Mabilis naman siyang humiwalay sa akin at umiiyak na nagsalita.

"You ingested poisoned red dates and that left you unconscious for five days!" she wailed. "You almost died, and there's nothing we can do but to watch you suffer alone! Our poor royal princess! Please punish me with death!"

The Wolf King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon