Chapter 25

9.4K 498 143
                                    

The Wolf King and I
Chapter 25

"What is that woman doing in here?" ang walang modo at galit na tanong sa akin ni Zhang Wei noong umagang iyon.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa pabilog na mesa na ito na nasa gitna ng grand garden ng palasyo. Ito ang pinakamalaking garden sa palasyo ng Qin at dito madalas nagkikita noon sina Jia at Zhang Wei mula sa manhwa. Kaya ito ang naisipan ko na lugar ng unang date nila.

Dahil wala naman akong magagawa ng dahil sa pagpupumilit ni Zhang Wei na makasama akong kumain ng breakfast ay gagamitin ko nalang ang tsansang ito para ma-inlove siya kay Jia.

Nilingon niya ako mula sa kinatatayuan at binigyan ng isang masamang tingin.

"Chin...." he spoke my name with a sound of threat in his voice.

Nagulat nalang siya dahil pagdating niya dito ay kasama ko ng nakaupo sa pabilog na mesa si Jia. Dito ko ipinadala ang mga pagkain na dala ng mga servants ni Zhang Wei at ipinasabi ko nalang sa kanya na dito kami kakain.

Mabilis naman na tumayo si Jia at yumuko sa kanya.

"Your majesty," ang pagbati niya.

Samantalang nilingon naman siya ni Zhang Wei at gamit ang galit na mukhang iyon ay nagsalita siya.

"Leave," he ordered. "You're not invited here."

Pero mabilis na akong umeksena.

"Hoy! Anong 'leave' ka diyan?!" asar na wika ko atsaka ako mabilis na lumapit sa kanya. "Ako ang nag-imbita sa kanya na kumain dito kasama tayo!"

Nilingon naman niya ako at ngayon ay nakasalubong na ang kilay niya. Uh-oh.

"I want to spend this morning meal alone with you," he said with a cold voice, while his silver eyes had a glint of fury in them. "How dare you invite someone else without asking for my permission?"

Mabilis naman akong yumuko at nag-drama.

I know how to tame this wolf.

Nag-pout ako sa kanya at kunwari ay naiiyak na nagsalita.

"Pero naaawa lang ako kay Jia dahil wala siyang kaibigan sa loob ng palasyo," with teary-eyes ko pang sabi sa kanya. "Baguhan lang siya kaya wala pa siyang nakakausap. Ako palang ang nag-iisang kaibigan niya at ang tanging masasandalan niya. Ipagkakait mo ba sa napakagandang consort mo ang kaligayahan na magkaroon ng isang bagong kaibigan? Hm?"

Atsaka ako nagpa-beautiful eyes sa kanya.

Nakita ko naman ang paghupa ng inis sa mukha niya at napahinga nalang siya ng malalim.

Shit, pwede na siguro akong mag-artista. Try ko kayang mag-audition sa pagbalik ko sa mundo ko? Baka ma-discover pa ako.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na gagawin niya.

Naramdaman ko nalang ang unti-unting panlalaki ng mga mata ko nang bigla siyang yumuko para magka-level ang mga mukha namin. Tuluyan narin akong natigilan nang i-pat niya ang ulo ko at gamit ang malumanay na boses na iyon ay nagsalita siya.

"You must be so lonely in your palace," he said, while his beautiful silver eyes gazed at me gently. "I guess I have to add some servants for you to ease your loneliness."

Eh?

Ano 'to?

What is this feeling?

Bakit naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa magagandang mga mata niya?

The Wolf King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon