╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗
𝙏𝙝𝙚 𝙒𝙤𝙡𝙛 𝙆𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙙 𝙄
╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝A long, long time ago, in a faraway land, there lived a prince who was raised by a pack of wolves.
His royal highness, prince Zhang Wei, is the seventh prince and the only son of the emperor to a low-ranking concubine. Upon his birth, the jealous empress murdered his mother and secretly threw him to a faraway mountainous place in their land.
The heartbroken emperor search far and wide for his lost prince. But to no avail, even years and thousands of soldiers were not enough for him to be reunited with his son.
Little did they know that deep within the dark mountains of their empire, a horrendous prophecy was waiting to unfold. Lived beside the most ferocious and merciless pack of wolves, the empire is at its stake for the hands of the bloodiest and the most ruthless tyrant throughout the history of their land.
N.T. Wang
Biglang naputol ang pagbabasa ko ng manhwa nang tumunog ang messenger sa cellphone ko. Inilipat ko naman ang tab at binasa ang nilalaman ng message.
"Nasaan na ang inorder kong rejuvenating set? Aba, last week pa ako umorder hanggang ngayon ay hindi parin dumarating! Scam ka ata eh."
Napaikot nalang ako ng mga mata at mabilis na nag-type ng ire-reply.
"Aba,malay ko. Hindi ko kasalanan na matagal ang delivery sa inyo. Anong gusto mo? Languyin ko ang dagat ng Pilipinas para lang maideliver ko sa inyo ang rejuve set? Ano ako? Shokoy?"
Pero syempre, joke lang. As an online seller, dapat ay palaging mahaba ang pasensya ko sa mga ganitong klase ng customer.
Mabilis kong ini-delete ang una kong reply at pinalitan ng...
"Pasensya ka na ha. God bless."
And then sent.
Kaasar ha. Ang sarap ng pagbabasa ko, ganito pa ang bubungad sa akin.
Naipilig ko nalang ang ulo ko at nag-scan ng mga sumunod na messages sa inbox ko.
"Hm po?"
Napaikot nalang ako ng mata at iritang nag-type ulit ng ire-reply. Nakalagay na nga ang presyo sa facebook post ko pero ang dami paring nagtatanong sa akin nito. Kainis na ha.
"599 pesos po. Dagdag lang kayo ng shipping fee." saka ko ini-send.
Mabilis naman siya nagreply ng...
"Ay, hindi po ako bibili. Joke lang po."
Kung hindi lang talaga mahal ang cellphone ngayon ay baka naitapon ko na ito sa sobrang asar. Ganda din ng trip ng babaing ito ha. At talagang nag-effort pa siyang magtanong! Wala kang magawa sa buhay mo, girl? Bored ka na ba sa buhay mo?! Tara, talon sa Mt. Everest.
Napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy na mag-reply sa mga nagtatanong tungkol sa rejuvenating set na benta ko online.
By the way, I'm Reina Ramos, Nineteen years old and a second year university student. I live alone in this tiny apartment na malapit lang sa school ko. At naitatanong ninyo siguro kung nasaan ang parents ko? Well, I don't have one. Lumaki ako sa bahay ampunan at napag-aral lang ng scholarship mula sa gobyerno. Kaya ngayong nasa kolehiyo na ako ay kung anu-anong trabaho na ang napasukan ko para lang makapagbayad ng mga daily neccesities ko. Tuition fee at aklat lang ang kasali sa scholarship ko kaya ako din ang nagbabayad ng apartment at iba pang bayarin. Talk about having a pitiful life. Pwede na ata akong pang-MMK. Try ko kayang magsulat kay tita Charo?
BINABASA MO ANG
The Wolf King and I
أدب تاريخي[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] How does it feel to live inside your favorite manhwa as a side character? Reina Ramos is a second-year college student who struggles on her life as an orphan. Upang matustusan ang pag...