The Wolf King and I
Chapter 11Kung sinuswerte ka nga naman.
Hindi pa ako tumagal ng ilang araw sa manhwa na ito ay mamamatay na ako kaagad. According to the manhwa, Princess Chin will die after meeting Jia as a concubine in Qin. Pero nang dahil sa akin kaya magbabago ang takbo ng kwento.
Princess Chin will be executed by the Emperor. Now, the original plot of the manhwa will never be the same again. Pero ang pinaka-ipinagtataka ko ay kung bakit bigla nalang nag-iba ang takbo ng kwento?
Everything is in shambles.
Teka, kasalanan ko ba ito? Kasalanan ko ba kung bakit nag-iba ang takbo ng kwento? Shit, kailangan ko na nga talagang makaalis dito.
"Your highness, I will leave you here first to find us some food." Mei said.
At ngayon ay iniwan kami ng Empress sa isang maliit na bahay sa loob ng kagubatan na ito. Matapos kaming tumakas mula sa palasyo ay dito niya kami dinala ni Mei.
Naiiyak nalang ako nang dahil sa kabaitan ng Empress sa akin. Isa pa itong nabago sa kwento. The Empress should never be nice to me. She should despise me for siding with her greatest enemy.
"Okay." Nanghihinang wika ko. "Huwag ka lang magtatagal. Baka mahanap ka pa ng nakakalat na mga kawal sa paligid."
Nakahiga lang ako sa gawa sa kahoy na kama na ito habang wala ng gana sa buhay na napapahinga nalang ng malalim. Mukhang napansin naman ni Mei ang bagay na iyon.
"Huwag kayong mag-alala mahal na Prinsesa," wika niya. "Tinutulungan tayo ng Empress Louyang kaya alam kong magiging maayos din ang lahat."
Nilingon ko siya mula sa pagkakahiga at walang kabuhay-buhay na nagsalita.
"Mei," tawag ko sa kanya. "Gusto ko ng umuwi."
Agad namang nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa sinabi ko. Pero mukhang iba ang pagkakaintindi niya dito.
"Huminahon po kayo, mahal na Prinsesa!" nanghintatakutang sigaw niya. "Isa na po kayo sa mga asawa ng Emperor Zhang Wei kaya hindi ninyo dapat binabanggit ang bagay na iyan. Kahit na hindi maganda ang pagtrato niya sa inyo ay mananatili parin siyang asawa ninyo. Kailangan ninyo siyang mahalin at pahalagahan bilang isang asawa. Hindi na kayo pwedeng umuwi sa empiryo ng Xiao!"
Oo nga naman.
Hindi niya alam na ang bahay na gusto kong uwian ay ang bahay ko sa Earth. Hindi ang walang-puso na empiryo ng Emperor Hong na iyon.
Humilata nalang ako sa kama at naiiyak na napatingin sa bubong ng maliit na bahay na ito.
So, should I just die then?
"Hintayin ninyo lang po ako dito. Hahanap po ako ng makakain natin at maiinom na tubig." Ang huling paalam ni Mei bago siya lumabas at iniwan akong mag-isa.
Samantalang naiwan naman akong nag-i-emote sa loob ng bahay.
Pero teka...
Bigla akong napaupo ng maayos.
Ngayong wala naman akong kawala sa manhwa, pwede naman siguro akong mamuhay sa mundong ito na malayo sa mga characters, 'di ba?
Tama!
Para matigil na ang pag-iiba ng takbo ng kwento ay kailangan kong makaalis. Hays, bakit ba hindi ko naisip iyon?
In order to survive in this manhwa, I have to flee from Emperor Zhang Wei.
Pwede naman akong mabuhay as a non-existing character sa labas ng kwento. Kung sa bagay, side character lang naman si Princess Chin kaya hindi din completely na mababago ang kwento kapag nawala siya.
BINABASA MO ANG
The Wolf King and I
Historical Fiction[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] How does it feel to live inside your favorite manhwa as a side character? Reina Ramos is a second-year college student who struggles on her life as an orphan. Upang matustusan ang pag...