Chapter Two

839 7 0
                                    

“Hoy, Mela, ano ba nakikinig ka ba sa akin?”

Nagulat siya ng marinig ang sinabi ni Gine.

“Ha? Ah? ano bang sinasabi mo?” tanong naman niya.

“Sabi ko Halika na punta na tayo sa practice”

Tumango siya at saka tumayo mula sa kinauupuan.

“Halika na” yaya nito at saka na sila lumabas ng kwarto.

“Ano bang problema mo?” tanong ulit nito.

“Nabwebwesit ako!”

“Ha? Saan?” naguguluhang tanong nito.

“Baka kanino kamo. Kay Jeth. Bwesit kasi. Napaka-feeling niya the ipagyabang ba naman ang pagmumukha niya sa harap ko. Tsk!” nagngingitngit na sabi niya.

“Anong ginawa mo?”

“Ayon sinabi ko lang naman ang totoo na di talaga siya gwapo at dapat bawas-bawasan niya ang pagiging mayabang niya noh!” ulit niya sa sinabi niya kanina kay Jeth.

“Sinabi mo yon? Ano ka ba naman Mela. Di talaga mapigil yang bibig mo noh! Hay naku”

“At kinaiinisan ko pa.pinagalitan ako ni Ma’am” sumbong niya. Naalala na naman niya tuloy kung pano siya pinagalitan ng guro.

“Ayan kasi. Sabi ng wag masyadong mataray eh”

“Halika na nga. Wag na natin syang pag-usapan umiinit lang lalo ang ulo ko.” Sabi niya.

Pag-uwi niya sa bahay ay nakita niya ang mama niya na nakaupo at nakatingin sa isang papel.

“Ma. Ano yan?” tanong niya rito.

“Sulat galing sa office ng papa mo”

“Ha, a-anong nangyari kay Papa?”

“Walang nagyari sa papa mo. Sa katunayan ay kinukuha niya ako para sumama at magbakasyon kasama niya” sabi nito na tuwang-tuwa.

Eh ako ma? Diba ako kasama dyan?”

Sa barko kasi nagtat-trabaho ang ama niya. Isa na itong 2nd engineer doon.

Ano ka ba naman. May pasok ka pano ka maisasama” sabi naman nito.

“Kelan ba yan?” tanong niya rito.

“Next week na.”

“Eh pano naman ako. Sino makakasama ko dito?” she said and pouts.

Mag-isa lang kasi syang anak. Lahat ng kamag-anak nila ay nasa maynila na at may kanya-kanya ng trabaho at pamilya.

“Wag kang mag-alala. Nakausap ko naman ang kaibigan ko at doon ka muna titira sa anak nila” dire-direchong sabi nito.

“Ano? Kaibigan? Anak?” nalilitong sabi niya.

“Nasa maynila kasi ang iyon kaya ang naiwan sa bahay niya iyong dalawang anak niya”

“Kelan ka uuwi?” sabi niya.

“After 3 months” masayang sabi ng mama niya.

“3 months?!” sigaw niya.

“Ano 3 months mawawala ang mama mo?” sabay sabay na sabi ng mga ito.

Nasa isang park sila. Vacant nila ng oras na iyon.

“Yap. Nakakainis nga eh” naiinis na sabi nya

“Sino kasama mo nyan?” tanong ni Joy

“Sabi kasi ni Mama titira daw ako sa bahay ng kaibigan niya eh” sagot niya.

“Ganun Okey lang yan at least may matitirahan ka pag wala si Tita” sabi naman ni Mayly.

“Eh sino naman daw iyong kaibigan niya?” tanong naman ni Shel.

“Ewan di ko kilala” sagot niya.

“Kelan ka lilipat don?” si Gine.

“Baka this Saturday na”

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon