Chapter Twenty Six

403 5 0
                                    

Ngayong araw na ito ang ikadalawang buwan ni Mela sa pagtira sa bahay nila Jeth. Isang buwan na lang ang natitira sa kanya. Una pa lang na makatungtong siya sa bahay nito ay gusto na nyang umalis dahil andoon si Jeth ngunit ngayong malapit na ang pag-alis niya ay nakakaramdam siya ng lungkot. Of course mamimiss niya si Jeth ng sobra lalo na ang pagiging sweet nito sa kanya.

Ngayong araw na rin na ito ay ang Ikatlong araw ng Intramurals o Palaro nila.

Nasa bleachers parin siya ng gym nila. Katatapos lamang ng laro ng department nila ang CSS. Ngayon naman ay ang susunod na maglalaro ang CMA ang department na kinabibilangan ni Jeth. Wala syang kasama dahil nagsipaalam ang mga kaibigan niya pagkatapos na cheering kaninang umaga.

Napatingin siya sa kanyang paligid kani-kanina lang ay halos walang katao-tao sa gym para manood ng CSS Titans vs. CHS Vanguards ng basketball ngunit ngayon halos punuan na ang buong bleachers. Championship na kasi ngayon at ang maglalaban ay ang CMA at CEA. Halos lahat ay CMA o College of Management and Accountancy. Mangilan-ngilan ang CEA Towers o College of Engineering and Architecture na kalaban ng CMA.  Napahiyaw ang mga kababaihan ng lumabas ang team nila Jeth.

Napatingin siya rito. Luminga-linga ito na parang may hinahanap.

Nang makaupo ito sa upuan na para sa mga players ay napatingin ito sa kanya. Ngumiti ito at saka tumango. Nginitian rin niya ito.

“Oh shit girls, nginitian ako ni Jeth” narinig nyang tili ng babaeng nasa likuran niya.

“baka naman ako yon?” sabi naman ng isang kasama nito.

Natawa siya. Kung alam lang ng mga ito na siya ang nginitian at tinanguhan ni Jeth ay paniguradong kanina pa siya sinabunutan ng mga ito.

Kinuha niya ang cellphone niya.

Hai babe… galingan mo ha! Here to support you J text niya rito.

Nakita niya si Jeth na may kinuha sa bag nito. Cellphone…

Ilang saglit ay nag-vibrate ang cellphone niya.

Syempre naman. Andito yata ang very beautiful cheerer ko eh reply nito sa kanya.

Alam mo basketbolista ka nga. Ang galing mong mambola eh text niya.

Hahaha. I’m not kidding. Lahat ng shoot ko para sayo. Oh sige na need to warm-up pagnanalo kami may reward ako galing sayo ha

Napangiti siya. Ano kaya ang reward na hihingin ni Jeth? Tanong niya sa kanyang isipan.

Excited na syang manalo ito.

Ok J good luck.text niya rito.

“Ehem. Ang sweet nyo naman” napatingin siya sa katabi niya. Di niya namalayan na katabi na pala niya si Mayly at nakatingin ito sa cellphone niya. CMA din si Mayly kaya di na siya magtataka kung ba’t ito manonood ng basketball.

Di siya umimik.

Ilang saglit lang ay nag-warm up na sila Jeth. Napaderitso siya ng upo ng magsimula na ang laro.

First Quarter pa lang ay nangunguna na ang team nila Jeth. Sa tuwing nakakashoot ito ay napapangiti siya. Pano ba naman sinabi nito sa text na lahat ng shoot niya ay para sa kanya.

Halos mabingi siya sa tilian ng mga babae tuwing na kay Jeth ang bola.

Kung pwede lamang nyang isigaw ang pangalan nito eh. Pero okay lang kuntento naman na siya sa pagpalakpak at pagsigaw ng department nito.

Mabilis ang oras sa second quarter ay lamang ulit ang CMA ngunit hindi sinama si Jeth. Pinasok uli si Jeth sa third Quarter. Syempre nagkanda-ingay-ingay ang mga babae sa gym. Half-time break na. Naningkit ang mga mata ni Mela ng makitang lumapit si Chloe kay Jeth inabutan ito ni Chloe ng mineral water. Tinanggap naman iyon ni Jeth.

Nakaramdam siya ng pagkahinayang. Kung sana ang relasyon nila ay hindi sikreto siya sana ang nasa posisyon ngayon ni Chloe, siya sana ang nagbibigay ng tubig kay Jeth, ang katabi ni jeth na nakaupo ngayon, ang nagpupunas ng pawis ni Jeth at higit sa lahat malaya nyang isigaw ang pangalan nito.

Last Quarter na. Lamang ng isang puntos ang kalaban kung kaya’t puspusan na ang laban. Ilang minuto na lang ang natitira. Na kay Jeth ang bola kung kaya’t naka-sentro rito ang mga mata ng kalaban. Bigla ito napaupo ng mabangga ito ng isang kalaban. Buti na lang at naipasa nito ang bola bago ito bumagsak. Nag-time out ang referee. Napadericho siya ng upo ng daluhan ito ng mga kasama nitong players. Nakita nyang may pasa ang kaliwang braso nito. Nang maka-upo ito sa bleachers na nakalaan sa team ng mga ito ito ay tinuloy uli ang game pinalitan na si Jeth bilang center.

Gustong-gusto niya itong daluhan. Gusto nyang malaman kung okey lang ito. Nakita niyang dinaluhan ito ni Chloe. Nilalagyan nito ng cold compress si Jeth. That time naramdaman niya na wala syang kwentang girlfriend para rito.

“Diba si Chloe yon?” narinig nyang tanong ng babaeng nasa likuran niya.

“Oo, Ang landi talaga ng babaeng yan. Madami na ngang nagkakagusto sa kanya ah. Bat si Jeth pa ang nagustuhan niya?” himutok naman ng katabi nito.

“Baka naman sila na?” tanong naman ng isang babae.

“Hindi noh. At saka sa pagkakaalam ko walang girlfriend si Jeth ngayon” sabi naman ng isa.

“Buti naman kung ganon. Paniguradong magwe-welga ako kapag may naging girlfriend si Jeth”

Napabuntong-hininga siya. Wala syang magawa kundi titigan lamang ito. Tumayo siya.

“May, ah bili muna ako ng drinks” sabi niya rito. Itinago niya sa isang ngiti ang nararamdaman nyang selos at inis sa kanyang sarili.

“Oh sige” sabi nito.

Napaupo si Mela sa bench. Nasa tambayan siya nilang magkakaibigan sa likuran ng chapel. Doon siya umiyak ng umiyak. Masakit para sa kanya na makitang nasaktan si Jeth na wala man lamang syang nagawa.

May gumugulo sa isip niya. Maraming what ifs.

Naiipit siya masyado sa pagmamahal niya kay Jeth at sa magulang niya.  Ayaw nyang itakwil siya ng parents niya at higit sa lahat ayaw din naman nyang mawala si Jeth sa kanya.

Sa totoo lang ayaw na ayaw nyang maramdaman na napakawalang kwenta nyang girl friend dito.

Nasa ganoon syang posisyon ng may tumawag sa pangalan niya.

“Mela”

Napaangat ng tingin si Mela.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon