Chapter Ten

584 5 0
                                    

Nagising si Mela sa tunog ng Alarm clock.

Kring…. Kring….. Kring….

Nag-inat-inat muna siya bago bumangon sa kama.

Teka, ba’t may picture si Jeth sa bedside table???

Ayon naalala niya pala na nakitulog siya sa kwarto nito.

Paglabas niya ay agad na sana syang papasok sa kwarto niya ng may ma-amoy na sinangag.

Baka si Ate Jill ang nagluluto. Baka andito na siya.

Pagkapunta niya ng kusina.

“Good morning Ate Ji----  napahinto siya ng humarap ito sa kanya. “Jeth!!!!”

Nanlaki ang mga mata niya. “Na-nagluluto ka?”

“Kita mo naman diba?” sabi nito at saka na ipinagpatuloy ang pagluluto.

“Baka naman nilagyan mo yan ng gayuma ha!” saad niya.

“Di ko na kelangang gumamit ng gayuma kung sa ngiti at kindat ko lang maaakit kana”

“Tskkkk Baduy mooooo! Magluto ka na nga lang….” sabi niya at saka na iniwan ito.

“Tsskkk” narinig nyang sabi nito.

Pumunta si Jeth sa tambayan ng mga nilang magkakaibigan. Sa isang abandonadong classroom.

“Pare, kamusta?” bati agad sa kanya ni Clint.

“Ok lang pare.”

“Teka nga pala kamusta naman kayo ng amasonang babaeng yun” tanong naman ni Raffy.

Si Mela nag tinutukoy nito.

Naalala nya tuloy ang nangyari kagabi.

Nagising si Jeth ng masilaw siya. May ilaw na pala.

Tinignan niya ang kanyang relos. 5:00 am.

Tumayo siya at papatayin na ang ilaw ng makita si Mela sa kama.

She sleep like a baby. Naiisip niya.

Natanggal na ang kumot nito sa katawan kaya lumapit siya rito at kinumutan ito.

Ang gulo pala nitong matulog.

Sa totoo lang ay natutuwa siya kapag inaasar niya ito. Namumula kasi ang pisngi nito at ang cute cute nitong tignan.

Nang tignan niya ang mukha nito ay biglang napahinto ang tingin niya sa mga labi nito. May nag-u-udyok sa kanyang halikan ito,

Ano ba Jeth, stop it. Di mo gusto ang mga matataray na katulad niya.

Lumabas  na siya ng kwarto pagkapatay ng ilaw.

Napabalik ang isip niya sa kasalukuyang ng tumkhim si Raffy.

“Ano pre?” tanong ulit ni Raffy sa kanya.

“Ganun parin.” Sagot niya.

Vacant ni Mela ngayon kaya nasa bench sila ni Gine.

“Gine!” napaangat sila ng tingin ng makita si Rave ang best friend ni Gine.

“Hi Mela” bati nito sa kanya. Tumango lamang siya. Tumabi ito kay Gine.

Sa totoo lang matagal ng magkabigan sina Gine at Rave simula nong high school pa sila. Alam nyang may gusto si Gine kay Rave masyado lang in denial ang best friend niya pati sa kanila ay ayaw nitong aminin ang nararamdaman nito kay Rave.

Lahat silang magkakaibigan ay nainlove nong high school pa lamang sila. Naalala niya tuloy ang high school life, when she first met him.

“Anong meron dito?” tanong niya kay  Gine. Nasa gym sila kung saan napakaraming tao.

“May auditon daw para sa basketball varsity.” Sagot nito.

“Patingin nga” sabi niya rito.

Umalis ito sa kinatatayuan at pumalit siya sa pwesto nito. Kitang-kita mula sa pwesto niya ang mga naglalaro. Isang naka number 22 na lalaki ang lumingon sa deriksyon niya.

Oh my God he’s so damn hot!

At sa kauna-unahang pagkakataon ay tumibok ng mabilis ang puso niya.

“Hoy Mela nakikinig ka ba?” napabalik sa kasalukuyan si Mela.

“Ha?”

“Hay naku nawawala la na naman sa mundo”

“Ano bang sinasabi mo?”

“Maglilibre si Rave sama ka?” yaya nito sa kanya.

“Wag na istorbo lang ako sa inyo.” Sagot niya.

“Istorbo ka dyan. Halika na kasi”

“Wag na. Pupunta pa ako ng Library eh. Enjoy!”

“Okay, sige alis na kami.” Sabi nito at saka na umalis kasama si Rave.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon