Chapter Forty Six

351 5 0
                                    

“Ano ipapakasal ka ng parents mo kay Drei?!!!” sabay sabay na sabi nina Mayly, Gine, Joy at Shel ng ikwento niya ang nangyari.

“Hello. Uso pa pala yang arrange marriage na yan. 21st century na ah” sabi ni Mayly.

“Anong sabi mo? Pumayag ka ba?” tanong ni Gine.

Tumango siya.

“Ano? Pano si Jeth?” sabi naman ni Shel.

“Anong paano si Jeth? Wala na nga kami diba? Hindi niya ako mahal, kinalimutan na niya ako.”

“Are you going to do this dahil gusto mong kalimutan si Jeth o dahil mahal mo sya. You are using Drei para makalimutan si Jeth, Mela. Wag mo ng lokohin ang sarili mo alam naman natin na hanggang ngayon hindi mo parin siya nakakalimutan” sabi ni Joy.

“Ano bang kelangan kong gawin para kalimutan siya? Hirap na hirap na ako. gusto ko na syang kalimutan. Bakit ba kasi ang hirap kalimutan ng lalaking iyon? Ang sakit sakit na. ayoko na syang mahalin pero bakit hindi ko magawang kalimutan siya” umiiyak na sabi niya.

“Time would come makakalimutan mo rin siya.” sabi ni Gine.

Kelan? Pagpatay na siya. pag hindi na tumitibok ang puso niya?

“I’m going to marry Drei. Hindi naman siya mahirap mahalin eh” sabi niya.

Buo na ang desisyon niya ilalaan na niya ang puso niya para kay Drei.

“Anak, andito na si Drei” sabi ng papa niya ng katukin siya nito at papasukin niya sa loob ng kanyang kwarto.

Nasa harap siya ng salamin at kasalukuyang nagsusuklay. May lakad sila ngayon ni Drei.

“I’m doing this because I want the best for you. I know Drei is good for you. Sana maintindihan mo ako, anak” sabi nito.

“P-pumapayag na po ako, Pa.” sabi niya rito.

“Then that’s good.” Sabi naman nito.

Pagkababa niya ay nakita niya si Drei na nakaupo sa sofa at naghihintay sa kanya. Napatayo ito ng makita siya.

“Ingatan mo ang anak ko ha! Drei” sabi ng papa niya rito.

“Yes, Tito” sagot naman ni Drei.

“Let’s go” baling nito sa kanya.

Tumango siya at saka na sumunod dito.

Nang nasa sasakyan na sila nito.

“Pumayag na ako sa kagustuhan ni Papa, Drei” sabi niya.

“You can think more about this, Mela. Ayokong pilitin ka na pakasalan ako”

“I know. I know this is the right thing to do” sabi naman niya.

Nasa Mall si Jeth kasama si Jane. Ngayon kasi ang unang labas nila bilang magkasintahan. Yes. Girlfriend na niya si Jane.

Nasa department store sila ni Jane at abala ito sa pamimili ng damit ng mahagip ng tingin niya ang isang babae at isang lalaki na namimili rin. Nakatalikod ang mga ito sa kanya pero pamilyar ang mga ito sa kanya ng humarap ang mga ito ay nakilala niya agad ang mga ito. Sina Mela at Drei.

Mela is smiling while talking to Drei. Anong sakit ang naramdaman niya ng sandaling iyon. It has been 3 months since the last time he saw her.

Tama nga ang ate niya napakalaki nyang tanga. Kung pinakinggan lang sana niya si mela noon hindi sana siya nasasaktan ngayon. Siguro ay sila paring dalawa.

Siya nag kasa-kasama nito ngayon.

Naalala niya ng makita niya itong kahalikan si Drei.

Umuwi na siya noon sa bahay nila ng makita ang pangyayaring iyon.

Dinaluhan siya ng ate niya at tinanong.

“Anong nangyari? Nahabol mo ba siya? nagkausap na ba kayo?”

“Wala na ate. May iba na siya” sabi niya rito.

“Sinabi ko na kasi sayo Jeth. Walang magandang idinudulot yang pride na yan. Kung sana dati pa pinakinggan mo na siya—“

“Shut up ate!” naiinis na sabi niya at saka ito tinalikuran.

Oo ang tanga tanga niya. And he realized that he still love Mela pero wala na. wala na!

“Diba sina Mela at Drei yon?” tanong ni Jane na nagbalik sa kanya sa kasalukuyan.

“Halika lapitan natin sila” sabi nito at saka hinila siya palapit kina Mela at Drei.

“Mela, Drei” napalingon si Mela sa tumawag sa kanila ni Drei.

Nakita niya si Jane at sa likod nito ay si Jeth.

Bigla na lang tumahip ng malakas ang dibdib ni Mela. Seeing him again brought the memories back.

Ang masasaya, malulungkot at masasakit na alaala rito.

“Kamusta na kayo?” tanong ni Jane. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Jane na nakahawak kay Jeth.

Bigla na lang may kumirot sa dibdib niya.

“We’re okay” sagot ni Drei.

“Kayo na ba?” tanong ulit ni Jane.

“O-oo kami na ni Drei” sagot niya.

“Oh my gosh sabi ko na eh kayo din ang magkakatuluyan. Oh by the way Mela. Kami na rin ni Jeth” tuwang-tuwang sabi nito sa kanya.

Ngumiti siya ng pilit. “C-congrats” sabi niya na kay Jeth nakatingin.

“I’m happy for you” sabi niya na halos hindi marinig/

Ang sakit sakit marinig na masaya naman pala si Jeth ng wala siya sa piling nito.

“E-excuse us. W-we need to go” sabi niya. Natataranta na siya dahil baka kumawala pa ang iyak niya. Gusto na nyang umalis doon. Ang sakit sakit na para ng sinasaksak ang puso niya ng paulit-ulit.

“Okay. Bye” sabi ni Jane.

Pagtalikod nila ni Drei ay saka na tumulo ang mga luha niya.

Kelan ba mauubos ang lintik na luhang to? Tanong niya.

Tama nga siguro ang desisyon nyang pakasalan si Drei. Ito ang lalaki para sa kanya at hindi si Jeth.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon