Magana ang pagkain ni Mela ng marinig niya ang sinabi ni Jeth.
“Hoy di raw uuwi si Ate ngayon marami raw silang gagawin sa os---“
Nanghihindik na tumingin ito sa kanya.
“Hoy, bat di mo man lang ako tawagin. May balak kang wag akong pakainin noh!”
“Anong?! FYI lang ha tinawag po kaya kita. Baka kasi puno na yang dumi sa tenga mo kaya dapat linisin mo na.”
“Malinis ang tenga ko ha. Gusto mo ipakita ko pa” sabi nito at nilalapi pa ang tenga sa kanya.
“Hmmm tse….”
Kumuha ito ng plato at kubyertos at saka na umupo sa kaibayo niya.
“Baka naman may gayuma to ha.”
“Gayuma?” natawa siya. Si Jeth naniniwala sa gayuma hahahaha patawa!
“Bakit ko naman gagawin yon sayo?”
“Malay ko, baka may HD ka sa akin, di mo lang maamin”
“HD ka dyan mukha mo”
“Mukha ko gwapo..”
“Panget kaya.” Sabi niya. “Kumain kana. Walang gayuma yan”
“Kung walang gayuma baka naman may lason to”
“Grabe ka Jeth ang lakas ng imagination mo rin noh! Walang lason yan. Epal ka. At tsaka masamang damo ka kaya di ka mamatay” sabi niya.
Mukhang naniwala naman ito dahil kumain na ito.
“Oh yan tapos na akong kumain hugasan mo yan ha. Di mo ako alalay kaya maghugas ka ng plato” sabi niya at saka na umalis.
Nasa sala si Mela at abala sa pagsusulat habang nanonood ng TV.
Princess and I ang pinapanood niya.
Palatastas kaya abala si Mela sa pagsusulat ng assignment niya.
Teka bat parang may naririnig akong “Defense” “Defense” Ano to basketball??
Napaangat ang tingin niya sa telebisyon at nanlaki ang mata niya ng makitang basketball na ang pinapanood niya???
Teka diba Princess and I yon??
Kung may laser lang ang mga mata niya kanina pa siguro bumulagta si Jeth.
Ilang minuto na lamang at Walang Hanggan na kaya kelangan niya iyong panoorin.
Tumayo siya at humarang sa pinapanood nito.
“Umalis ka nga dyan” sabi nito.
“Bakit mo nilipat? Ha”
“Nanonood ako Mela”
“And so? Nanood din naman ako kanina ha tapos nilipat mo. Akin na yang remote”
“Nanonood daw? Eh nagsusulat ka eh.”
“Kahit na nanonood ako. Ilipat mo sabi eh.”
“Ayoko” sabi nito at inilayo ang remote.
“Akin na yang remote.”
Lumapit siya rito at kinukuha ang remote. Hinihila niya ang remote at hinihila rin nito.
Mukhan tuloy naglalaro sila ng Tag of War.
“Akin na sabi eh” sigaw niya.
Dahil mas malakas ito sa kanya ay napatangay siya sa hila nito.
Napa-upo tuloy siya rito.
Parang slow motion sa pelikula nakatitig ito sa kanya at ganon din siya rito.
“Ang bigat mo” nang-aasar na sabi nito.
Tumayo siya at saka umupo sa sofa.
“Hindi ako mabigat noh!”
“Mabigat ka”
“Hindi! At tsaka sino ba tong nanghihila? Diba ikaw?”
“Bakit ikaw ba ang hinihila ko? Hindi naman ah”
“Kahit na. Kung sana binigay mo na lang sa akin---“
Biglang nawalan ng kuryente.
“Jethhhhh!!!!” sigaw niya.
Shit brown out!!! Takot ako sa dilim!!!
“Ano ba naman? Kung makasigaw ka parang nawawala ako ah”
Lumapit siya rito.
Ba’t ngayon pa nag-brown out ehhh
Naramdaman nyang umangat ang sofa.
“Oy Jeth san ka pupunta?”
“Tatanggalin ko lang sa saksakan yong TV. At matutulog na ako Bakit?”
“Uy teka sama ako”
“Sasama ka saking matulog? Sinabi ko na nga eh may Hidden desire ka sakin”
“Hindi… Sige na sama akooo.”
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...