Chapter Forty Two

355 4 0
                                    

“Jeth, hindi mo naabutan si Mela. Umalis na siya” sabi ng ate niya ng makauwi siya ng kanilang bahay.

Kagagaling lamang niya mula sa paglalaro ng basketball.

Tinignan lamang niya ito at saka dumiresto na sa kanyang kwarto. Isang papel ang lumipad sa sahig. Dinampot niya iyon isa iyong sulat. Sulat mula kay Mela.

-----------------------------------------------------------

Dear Jeth,

            I’m really sorry for not telling you my true identity. I know mali ang paglihiman kita pero sasabihin ko naman sayo pero natakot ako. Mula high school pa lamang tayo gusto na kita. Naalala mo ba nong valentines day at dalhan kita ng box ng chocolate chips sinabi mo na hindi mo ako gusto noon. Nagalit ka sa akin. Nasaktan ako kaya sa tuwing nakikita kita ay naiinis ako sayo dahil naaalala ko ang sinabi mo pero sa totoo lang deep inside di naman nawala ang nararamdaman ko sayo. Ginamit ko lamang iyon para mawala ka na sa isip ko. Pero hindi ko parin pala magawa. Please wag kang maniwala kay Chloe hindi ko binalak na paghigantihan ka.

I’m sorry at sana mapatawad mo ako.

                                                                                    Mela

-----------------------------------------------------------------

Tandang-tanda niya ang pangyayaring iyon..

3 years ago.

Valentines ng araw na iyon. Nagpadala siya ng flowers kay Jane. Nililigawan niya kasi si Jane.

Na-excite siya ng tumawag ito sa kanya.

“Hello Jeth?”

“Jane”

“Thanks for the flowers”

“Your welcome.”

“Jeth m-may gusto akong sabihin sayo”

“What is it?”

“S-sinagot ko na kasi si Jhay” sabi nito.

Si Jhay ay ang isa sa manliligaw nito na kaklase nila noong elementary.

“Jeth, are you still there. I’m sorry. Hindi ko agad nasabi sayo”

“I-It’s okay” kahit ang totoo ay nasaktan siya. Akala pa naman niya ay sasagutin siya nito.

Jane is her first love. But she broke his heart.

Inis na inis siya ng araw na iyon.Kahit ang kaibigan niya ay hindi siya malapitan kapag ganoon siya.

Nasa gym siya at kasama ang kaibigan niya. Nang lumapit ang isang babae. Nakilala niya ito. Ito yong babaeng gumamot sa kanya ng masugat siya.

“Hi Jeth” bati nito sa kanya.

“A-ano pa-para sayo pala. Happy Valentines day” sabi nito at saka inabot ang box ng chocolate chips.

“Para saan to?” tanong niya ng di man lang kunin ang box.Wala siya sa mood para tumanggap ng kung ano sa ibang tao.

“Para sayo. Gusto ko lang ibigay sayo dahil g-gusto kita!”

That’s it she like him.

“Will you please stay away from me. I don’t like you okay. I don’t like you a bit. Hindi ko type ang mga katulad mo” naiinis na sabi niya rito.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon