2 months after
Nagkita silang magkakaibigan sa bakeshop.
“Mela kamusta naman ang preparation para sa b-day mo?” tanong ni Joy sa kanya.
“Okay naman. Maayos na lahat” sagot niya.
Ilang araw na lamang at debut na niya. Pero hanggang ngayon d pa niya nakikita si Jeth. Akala niya makakalimutan na niya ito pero kahit papaano ay hindi parin niya makalimutan ang lalaking minahal niya ng sobra sobra.
“Sino escort mo?” tanong ni Shel.
“Si Drei” sabi niya.
“Kamusta na pala kayo ni Drei?” tanong naman ni Gine.
“Sinabi ko na hindi ko talaga siya gusto”
“Binasted mo? Sabay na sabi nina Gine at Shel.
Tumango siya. “Ayoko kasi syang paasahin eh”
“Tama ka dyan kesa naman habang buhay syang umasa sa wala eh alam naman nating is Jeth parin ang----“ di natuloy ang sinasabi ni Mayly ng takpan ng kamay ni Shel ang bibig nito.
“Wag mo ng isipin tyong sinabi ni Mayly” sabi ni Shel.
“Ok lang Shel. Ma-matagal ko na syang nakalimutan” sabi niya rito.
Kahit ang totooy di niya ito nakalimutan.
May 4, 2013
Araw ng debut ni Mela ngayon at katatapos lamang syang ayusan at nakapagbihis na rin siya ng may pumasok sa kwarto niya. Ang papa niya.
“Happy b-day Anak” bati ng papa niya sa kanya at saka siya niyakap.
“Thanks po Pa” sabi niya rito.
“Dalagang-dalaga ka na ah. Pwede ka ng magka-boyfriend” sabi nito.
Napasimangot siya. kung kelan pwede na syang pumasok sa isang relasyon saka naman yong lalaking gusto nyang maging karelasyon ay wala na sa kanya.
Pagkatapos ng pang-labing pitong roses ay si Drei na ang sumunod na sumayaw sa kanya.
“Happy b-day” bati nito sabay abot ng rose sa kanya.
Nginitian niya ito. “Thank you”
Hinawakan siya nito sa baywang at nilagay naman niya ang kamay niya sa balikat nito.
“Are you happy?” tanong nito.
“Oo naman. Bat naman ako hindi magiging masaya?”
“Wala. I just, I just thought”
“Hindi ko na siya iniisip Drei kung yan ang inaakala mo”
Sinungaling na kung sinungaling siya pero iyon lang ang tanging paraan para makalimutan niya ito ang magpanggap na nakalimot na siya.
But her heart is still longing for him. Umaasa siya na sana ay pumunta ito sa b-day niya.
Pero bakit naman ito pupunta?
“Mela, bumaba ka na andito na bisita” tawag sa kanya ng mama niya.
Araw ng linggo noon at dalawang araw matapos ang kanyang kaarawan.
Pagkababa niya ay nakita niya si Drei at ang mga magulang nito na nasa dining room.
Umupo siya sa kaibayong upuan ni Drei.
“Hello po Tita, Tito. Drei” bati niya sa mga ito.
Nginitian siya ng mga ito. Umupo siya sa kaibayo ni Drei.
“Anong meron Ma? Bat po sila andito?” tanong niya rito.
“Nagkasundo kami ng Papa mo, Mela na ipapakasal kayo sa isa’t isa ni Drei pagkatapos nyong magtapos sa kolehiyo” sabi ng ama ni Drei.
Nagulantang siya sa narinig. Ipapakasal siya???
“Ma, Pa ano to?” tanong niya sa mga ito.
“Anak diba crush mo naman si Drei dati nong high school ka. Anong masama na ipapakasal kita sa kanya?” sabi ng Papa niya.
“Its okay hija. Gustong-gusto naman kita para kay Drei” sabi ng mama ni Drei.
Nagugulahan na siya kelan pa ang kasunduan na ito?
“Kelan pa ang kasunduan nyo pa?” tanong niya.
“Matagal na namin kayong pinagkasundo ni Drei bata pa lang kayo non. Bestfriends na kami ng ama ni Drei nong binata pa lamang kami pinagkasundo na namin ang mga anak namin sa isa’t isa”
“Kaya ayaw pinangako nyo ako na hindi ako magno-nobyo hanggang hindi pa ako eighteen. This is so unfair pa.” sabi niya at saka na umalis.
Sinunod niya ang parents niya pero iyon pala ay may hidden agenda pala ang mga ito.
Ang sakit sakit eh. Niloko siya ng sarili nyang parents. Matagal na pala syang nakatali kay Drei. Sana inamin na lang niya dati pa na si Jeth ang mahal niya. Hindi sana naging ganito ang lahat.
Sinaktan na nga siya ng lalaking mahal niya pati ang magulang pa niya.?
Sa Terrace siya pumunta sinundan siya doon ni Drei.
“Honestly alam ko na yon dati pa. But I don’t take it seriously. Di ko alam na seseryosohin nila iyon” sabi nito. “If you don’t want to marry me sasabihin ko sa kanila”
“Drei, you don’t have to do this okay. Maybe I-I need this. I need this to move on” sabi niya.
Siguro kelangan niya iyon para makalimutan niya ng tuluyan si Jeth.
I should really need to forget him..
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomantiekPano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...