Na-guilty tuloy si Mela ng makita ang mga pasa ni Jeth sa katawan nito.
Malay ba nyang ito ang kapatid na tinutukoy ni Ate Jill.
Kaso nababahiran ng asar ang nararamdaman niya rito. Ang lalaking kinaiinisan niya pa ang syang makakasama niya sa bahay ng tatlong buwan.
Tapos ng gamutin ni Ate Jill ang pasa ni Jeth ng magsalita ito.
“Matutulog na ako ha. Inaantok na ako eh. Mela manood ka lang kung gusto mo. Jeth may pagkain sa lamesa kumain ka kung nagugutom ka” sabi nito at saka na umalis para pumunta ng kwarto nito.
“So kilala mo ang mama ko” sabi niya ng makaalis ang ate nito.
“Yes and no.”
“Huh?” naguluhan siya sa sagot nito.
“Yes I know you’re mother before but I don’t know that she is your mother” sagot nito at saka pumunta ng kusina.
Balik siya sa panonood ng Walang hanggan.
“Leste, Patayin mo na siya Daniel dali!” sabi niya.
Gustong-gusto na ko ng patayin ang lalaking yan eh. Sinasaktan niya ang Daniel ko! Sigaw ng isip niya.
Nakakaasar kasi ang Miguel na iyon eh sinasaktan ang Daniel niya….
“Bwesit ka Miguel. Sasapakin na talaga kita!” sabi niya habang nakakuyom ang kamay.
“Hoy, palabas lang yan. Kung makareact ka parang totoo ah” sabi nito at saka tumawa.
Palihabasa kasi walang kadram-drama sa katawan kaya naiinggit. Bulong niya.
“So? Eh sa naiinis ako eh” sabi niya.
Tsk panira ng moment tong lalaking to. Sigaw ng isipan niya.
Tumawa lang ito sa sinabi niya.
Nagising si Mela, feeling niya kasi may nakatingin sa kanya.
Pagkadilat niya ay mukha agad ang nakita niya…
kanino???
Kay jeth…
Napabangon siya.. Nanaginip ba siya o talagang nakikita niya si Jeth na nakatayo at nakatingin sa kanya.
Anong ginagawa niya sa kwarto ko???
“A-anong ginawa mo dito?” sabi niya.
Oh my gosh pano siya nakapasok sa kwarto ko????
“Kakain na sabi ni Ate” sabi nito.
Ate??????????
Loading….
10%
30%
60%
100%
Whaaaaaaa. Oo nga pala nasa bahay ako ng mokong na to.
“Bumangon ka na.”
Kung makapag-utos kala mo hari ah.
The bahay kaya niya ito… noh. Kaya siya ang hari dito. Sabi ng isip niya.
“Oo na babangon na” sabi niya.
Bumaba siya sa kama at dumericho sa C.R.
“Halika na Mela, kakain na. Magsi-simba kami ni Jeth gusto mong sumama?” yaya sa kanya ni Ate Jill.
“Ah, Si-sige po” sagot niya at saka umupo .
Napatingin siya kay Jeth. May nakapaskil na pilyong ngiti sa labi nito.
Tinaasan niya ito ng kilay… Argh ang sarap mong sakalin!!!
Naalala niya ang nangyari kagabi…
Nagising si Mela sa gitna ng gabi.
Tinignan niya ang kanyang cellphone. Alas-dose na ng gabi as in exact.
Naiihi na ako!!!!
Paano yon walang C.R. sa kwarto niya.
Ok, kaya ko to. Wala naman akong 3rd eye eh. Kaya wala akong makikitang multo.
Dahan dahan nyang pinihit ang seradura.
Tingin sa kanan O_Oà
Tingin sa kaliwa ßO_O
Whoa wala…
Nasa dulong pasilyo ang C.R.
Papasok na sana siya kanyang kwarto ng makarinig siya ng kaluskos.
Pumikit siya. Oh my gossssssssssh wag!!!!
Narinig ni Jeth na bumukas ang pinto sa kwarto ng amasonang babaeng iyon.
Napahawak siya sa kanyang braso. Nanakit pa iyon dulot ng paghamapas nito sa braso niya.
Tsk. Makaganti nga sa babaeng iyon.
Narinig nyang papunta ang yabag nito sa C.R.
Napatigil si Mela ng makitang may aninong gumagalaw. Nakabukas kasi ang ilaw sa sala.
Ayeeeeeeeeee wag naman ngayon Lord!!!!
Pipihitan na sana niya ang seradura ng may gumulat sa kanya.
Akmang mapapatili na siya ng… may tumakip sa bunganga niya.
Nalalanghap niya ang masculine scent nito.
Tsk! Si Jeth???
Tinanggal na nito ang pagkakatakip sa bunganga niya.
Tumawa ito ng mahina.
‘Letse!!!” sabi niya at saka na pumasok sa kwarto.
Arghhhhhh Mapapatay ko talaga ang lalaking yon ah! Haist asar!!!!
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...